Gab Valenciano and Nikki Gil continue their friendship after breakup


"I'm over that feeling of losing her, I passed that level of pain and sorrow. Right now I love Nikki as a friend. Right now, I have a girlfriend," says Gab Valenciano about ex-girlfriend Nikki Gil.



Kung sa mga nakaraang interviews ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Gab Valenciano ay ramdam pa namin ang sakit sa breakup nila ni Nikki Gil, ngayon ay siniguro sa amin ni Gab na-overcome na niya kung anuman ang kinahantungan ng relasyon nila ng ex-girlfriend.



Sa panayam ng PEP last Sunday kay Gab sa dressing room ng ASAP '07, masayang ibinalita ng anak ni Gary Valenciano na mayroon na siyang bagong non-showbiz girlfriend. Kung anuman ang mayroon sila before ni Nikki ay bahagi na lang lahat ng nakaraan.



"I'm over that feeling of losing her, I passed that level of pain and sorrow. Right now I love Nikki as a friend. Right now, I have a girlfriend. She's not from show business, we're together for three months na," pahayag ni Gab.

Magkasama na ngayon sa ASAP '07 sina Gab and Nikki, where Gab will be part of the show for two months. Masaya si Gab na sa kabila ng breakup nila ng young singer-TV host ay napanatili pa rin nila ang pagkakaibigan.



Ayon pa sa kanya, "We're good friends, we text sometimes. We get to talk a lot and I'm glad that God continues the friendship despite what happened.



NOT CLOSING HIS DOOR. Pero sa kabila ng pagkakaroon ng bagong relasyon ni Gab ngayon, hindi pa raw niya isinasara ang posibilidad na maaaring sila pa rin pala ni Nikki sa bandang huli.



"We'll never know," sabi niya. "I'm only 19 years old, I'm very young. I don't wanna close my doors and tell myself, wala na ‘yan. But right now, I'm very much in love.



"My parents used to tell me, I'm young, these things happen, you fall in love but then you realize she's not the one. Right now, I'm trusting the Lord talaga to show me where to go. If I'm gonna marry this girl in a couple of years, three to four years, siya na. If it's Nikki in two years, then it's Nikki again."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit wala pang pag-amin na ginagawa ay usap-usapan that after Gab, si Geoff Eigenmann daw ang naging boyfriend ni Nikki. Kung totoo man ito, sinabi ni Gab na wala siyang nararamdaman kahit na kaunting selos sa sinumang nali-link sa ex-girlfriend niya.



"Wala, she can go out with anybody she wants. Nikki's a fine girl, she's a very beautiful girl, so madami talaga ang manliligaw sa kanya," sabi ni Gab.

Noon pa, may usap-usapan na kaya raw nauwi sa breakup ang relasyong Nikki-Gab ay dahil nakikialam diumano ang ina ni Gab na si Angeli Pangilinan-Valenciano. Pero mariin itong pinabulaanan ni Gab.



"I have say 'no' [to] that. My Mom, all her intentions are good, she's my mom. She's the woman of my life, so siyempre sasabihin ng ibang tao that she is saying bad [things] but in reality, she's just trying to protect me. She's jealous, ‘I'm your only girl, I'm your mother, ayoko ng may girlfriend ka.' Siyempre, she'll feel bad but everything she does is for good. All her intentions are good talaga," pahayag ni Gab.

THE SON OF GARY V. Isa sa pinakamahirap gawin sa show business ay gumawa ng sariling identity, lalo't anak ka ng isang sikat na artista o singer. Aminado si Gab na ito ang rason kung bakit nagbabalak siyang pumunta ng United States.



"It's very difficult," sabi niya. "One is, pareho kami ng ginagawa ng dad ko. Medyo pareho kami ng mukha, pareho kami ng build ng katawan. Pero in a way, it's also a challenge.

"A lot of people think that just because I'm the son of Gary V, I'm famous. No, it's not that. It's harder because you have to live up to expectations like Gary V.



"One reason why I'm going to the States is gusto kong mag-start sa zero. I don't want people to look at me na anak lang kasi ni Gary V. Iyon nga sa Star Dance, I want to join that kaso di puwede. Maybe mid-next year, punta na ako dun. I'm gonna study and try dancing here. Not only dancing but also producing MTV, kasi ayoko rin namang mag-dance forever."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN