Joyce Jimenez still on lookout for guy who "can be worth getting hurt over"


"Hindi ako magbo-boyfriend para lang sabihin na may boyfriend ako. So, if ever magkaroon ako ng boyfriend, dahil gustung-gusto ko talaga siya, di ba?" says Pantasya ng Bayan Joyce Jimenez. She has been linked to Robin Padilla (inset, top) and Jay Manalo (inset, bottom).



Walang masyadong nasusulat tungkol sa lovelife ng sexy actress na si Joyce Jimenez kaya naman sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay ang tungkol dito ang inusisa namin sa kanya.

"I don't wanna say meron, as in meron, like kung boyfriend or something like that. But lovelife ko naman... as in I'm dating, pero lovelife ba ‘yon?" sabi ni Joyce sa presscon para sa final week ng Lupin kahapon, August 9, sa GMA Complex.

Sino na ang nakaka-date niya?

"Non-showbiz, iba-iba. I don't have a steady boyfriend or something like that," sagot ni Joyce.

Hindi ba siya nagwu-worry na masabihan siyang playgirl dahil iba-iba ang ka-date niya?

"Hindi, wala akong pakialam!" diretso niyang sagot. "Wala naman akong boyfriend, hindi naman masama. Hindi naman ibig sabihin idine-date mo ang isang lalake, ‘yun lang, siya lang, ibig sabihin boyfriend mo na nga, di ba?

"Para alam din nila, di ba, na ‘Hoy, excuse me, may ibang offers naman ako diyan. So dapat itrato mo ako nang maayos!' Para alam din nila," paliwanag pa ng tinaguriang Pantasya ng Bayan.

Bakit ayaw niyang mag-boyfriend ngayon?

"Hindi naman sa ayaw. I think it's more of hindi ko pa nahahanap ‘yung ano... Kasi siyempre, kung magbu-boyfriend ako, sa tagal-tagal ko na wala akong boyfriend, ‘yung pipiliin ko talaga, ‘yung matino na gusto ko.

"Hindi ako magbo-boyfriend para lang sabihin na may boyfriend ako. So, if ever magkaroon ako ng boyfriend, dahil gustung-gusto ko talaga siya, di ba?

"E, kung date-date lang, di date-date na lang ako. Bakit naman ako mag-aaksaya ng panahon sa kanya, tapos magiging heartbroken pa ako pag nag-break kami?

"Parang sa akin naman, if ever I find the guy... ‘Yung tipo na can be worth getting hurt over, ‘yung kahit nasaktan ako or na-heartbroken ako, okay lang kasi ‘yung pinagsamahan namin, maganda," paliwanag ni Joyce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JAY MANALO. Kailan siya huling na-in love or nagka-boyfriend?

"Ay, ‘tagal na! Four or five years ago? Jay [Manalo] naman doesn't count, di ba? Does he count?" natatawa niyang sabi.

Si Jay ba ang huli niyang minahal?

"The last person I was really, really serious," pag-amin niya. "Yeah! I mean, he's not naman the last guy I ever dated or something.

"Hindi, meron din akong naging boyfriend din. Pero hindi naman talaga love na love. I mean, siguro naman. Hindi ko din naman alam.

"'Yung feelings naman with Jay, iba ‘yung love naman sa kanya, e. Bago lang ako sa show business noon, tapos mag-isa ako. Tapos iba naman ‘yung situation naming dalawa ni Jay.

"Pero nagkaroon ako ng boyfriend after that, pero ‘yung medyo, like guarded ako. Hindi ko talaga ibinigay, like lahat-lahat."

ROBIN PADILLA. Naging boyfriend ba niya si Robin Padilla na na-link din dati sa kanya?

"Hindi naman boyfriend," sagot niya. "Siguro naman, we became very close kasi we did a movie together. And alam mo naman minsan, when you become close to someone, people naman misinterpret in a different way.

"So, I guess naman, that's just what happened, which I can't blame naman people also. Kasi naging close talaga kami dahil sa movie. Pero like with any movie, you get close to your leading man, you get close to your co-actors. I mean, you develop a bond with them, and that's exactly what happened.

"With Binoe kasi, the one thing I can say about him, is that he's a true gentleman, he's very chivalrous. ‘Yung tipong I think he was like reincarnated from the 1800s when chivalry was so alive.

"Grabe, ibang klase siya! And I do not blame women for falling in love with him, and falling for him, kasi he will make you feel like the only woman on earth, and he'll make you feel so special," tila name-mesmerize pa ring pahayag ni Joyce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-in love din ba siya ka Robin?

"'Yung the way na hindi naman in love na in love, na parang in a romantic sense. But ‘yung tipong, ‘Shucks! Kung magkakaroon ako ng boyfriend, sana ganyan siya.' Parang siya ‘yung naging pangarap ko, parang ganun.

"So, hindi naman...na-in love ako siguro sa mannerisms niya. Pero hindi naman romantically, ‘yung tipong ‘Shucks! Sana magkaroon ako ng boyfriend na ganito.' Kasi ‘pag siya talaga, parang it will be hard to live up to those standards. Pero grabe talaga! Grabe!" bulalas niya.

THE OTHER WIFE? Parehong nasa GMA-7 ngayon sina Joyce at Robin at malaki ang posibilidad na magkatrabaho sila together. Okay lang ba kay Joyce kung saka-sakaling pagsamahin sila sa isang project?

"Oo naman! I love working with him," mabilis niyang tugon.

Paano kung ligawan siya nito na seryosohan na?

"I don't think he'll make me ligaw naman kasi happy naman siya sa family niya. I don't think naman he wants another..."

Muslim si Robin, allowed mag-asawa ng higit sa isang babae.

"I don't think...it's not so much...Oo, puwede, pero sa tingin ko sa kanya, kahit puwede, isa na lang, parang si Liezl na lang, ganun. So, hindi naman ibig sabihin kahit puwede, gawin niya, di ba?" sabi ni Joyce.

If ever inalok siya, payag ba siyang maging one of the wives?

"Hindi, selosa ako, e."

Hindi ba nag-offer sa kanya si Binoe ng kasal kahit noon?

"Hindi," mabilis niyang sagot. "Kasi sa akin naman, siyempre naman, I want my husband to be with me all the time. Parang ang hirap naman to accept naman na he has another wife, and he has four other kids.

"Parang ang hirap naman tanggapin ‘yon, at alam mo naman na hindi ikaw ‘yung una, alam mo ‘yon? Parang ikaw talaga ‘yung pangalawa, ayoko naman nun. Gusto ko, ako ‘yung one and only.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang hirap naman, parang just the mere fact na you know na he's sleeping with someone else, my God! Ang bigat naman nu'n!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN