Loisa Andalio reveals her parents recently separated

IMAGE Courtesy: @iamandalioloisa on Instagram

Loisa Andalio


Naging emosyunal at napaiyak sa mediacon ng iWant’s Past, Present, Perfect ang Kapamilya actress na si Loisa Andalio.

Hindi nito nakuhang sagutin ang tanong ng columnist na si Allan Diones kung ngayon pa lang ang unang beses na humarap siya sa press pagkatapos ng pinagdaanang kontrobersiya kamakailan.

Ano po yun?” balik-tanong muna ni Loisa.

Mukhang matapang daw talaga ang Kapamilya actress.

Opo, kailangan pong maging matapang,” saad naman niya.

Pero sa mga sumunod na tanong, tulad ng kung gaano siya katapang, umiyak na si Loisa at hindi na sumagot.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Loisa sa 9501 Restaurant, ABS-CBN Compound, Quezon City, noong June 4.

PAST, PRESENT, AND FUTURE

Dahil sa title ng iWant series na idinirek ni Dwein Baltazar, nasentro ang mga tanong sa kanilang past, present at future.

Ibinahagi ni Loisa ang hindi magandang pangyayari sa recent past niya na may kaugnayan sa kanyang mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa akin po, sa past na hindi niyo pa alam, siguro sa parents ko rin, hiwalay na sila.

"Bago lang, ngayong March lang,” pag-amin niya.

“'Tapos ngayon, yung sa present, masakit siya, pero parang tinuruan akong maging matibay bilang ako yung breadwinner sa family namin.

Hindi ko puwedeng ipakita sa family ko na siyempre, apektado ko.

"Pero yun ang nagpapa-strong talaga sa akin ngayon. Hindi mo puwedeng dalhin sa trabaho ang personal life mo.”

Naitanong din kung sa tingin ni Loisa ay ang boyfriend na si Ronnie Alonte na ang magiging future niya.

Siyempre, maraming matututunan sa past kaya importante talaga ang past.

"Kasi, kung ano ka ngayon, dahil yun sa mga pinagdaanan mo, sa mga lesson na natutunan mo.

At yung future, tingnan natin kung si Ronnie!” natawang sabi niya.

Dagdag ni Loisa, “Tingnan natin, sana, kasi, di ba, maganda yung parang hindi mo na iniisip yun?”

Wala naman daw maisip si Loisa na pangit na nakaraan niyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-iisip nga po ako, parang wala naman po akong nangyari na masamang past.

"Siguro, sa lahat naman ng past natin, hindi perpekto.

Pero dahil dun, nagiging better ang present natin, yun lang po.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN