Piolo Pascual hopes to work with Angel Locsin in future


Piolo Pascual debunks reports that he refuses to do projects with incoming Kapamilya star Angel Locsin. "In fact, like everybody else, I am excited about her transfer to ABS-CBN. Magaling na artista si Angel at kahit saan siya pumunta, iwe-welcome siya."



Ilang araw nang umiikot ang usap-usapan na diumano'y negatibo para kay Piolo Pascual ang paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN. Ayon pa sa balita, tinanggihan daw ni Piolo ang isang soap opera sa ABS-CBN at ang isang pelikulang nakatakda sana nilang gawin para sa Star Cinema ni Angel.

Pero mariing itinanggi ni Piolo ang mga napabalita at sa katunayan daw ay excited siya sa paglipat ni Angel sa Kapamilya network.

"I don't remember saying that I don't like Angel Locsin. In fact, like everybody else, I am excited about her transfer to ABS-CBN. Magaling na artista si Angel at kahit saan siya pumunta, iwe-welcome siya," sabi ni Piolo sa press preview ng Chopsuey, isang independent film na si Piolo ang bida. Co-produced ito ng Silangan Pictures at New Line Cinema, at idinirek ni Catherine Camarillo.

Nilinaw ni Piolo na hanggang ngayon ay wala pa ring mga konkretong proyektong pagsasamahan nila ni Angel. Pero ayon sa kanya, may mga pinag-uusapan pero nakatakda pa lang silang makipag-meeting sa ilang Kapamilya executives para nga bigyang-linaw kung ano man ang mga balak sa kanila ni Angel ng ABS-CBN at Star Cinema.

"Okay sa akin na pagtambalin kami," diin ni Piolo. "Like I said, magaling na aktres si Angel at walang problema talaga. How I wish mag-materialize na ‘yung mga projects naming dalawa."

Binigyang-diin din ni Piolo na kung sakali, wala ring problema sa kanya kung maging suporta lang siya ni Angel sa anumang project na pagsasamahan nila. Hindi rin daw niya dini-discount ang posibilidad that they can become very good friends in the future.

"Di ba, mas mabuti ‘yon? Baka nga dahil closer na kami, madadagdagan pa ang mga endoresements namin. Di ba, magkasama kami sa endorsement ng isang vitamin brand? Who knows, we can be more complete kapag naging very close kaming dalawa," may halong patawa pang sabi ni Piolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang kunan naman ng pahayag si Piolo tungkol sa maraming negatibong opinyon ng paglipat ni Angel sa ABS-CBN, sinabi ni Piolo na napakanormal lang ng pinagdaraanan ngayon ni Angel.

"Sa dami na ng mga artistang naglipatan dito [ABS-CBN] at sa kabila [GMA-7], wala na akong nakikitang masama sa ganyan. Angel Locsin should go on. Kung saan siya masaya, doon siya," huling pahayag ni Piolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN