Cristine Reyes disappointed by outcome of her launching movie


"Kasi ang ganda ng feedback sa FHM nung nag-pose ako. Kung hindi ko rin lang naman maibibigay nang maganda ang pelikulang ito, huwag na lang. Baka makasira pa sa nasimulan ko," says Cristine Reyes.



Aminado ang sexy young actress na si Cristine Reyes na dismayado siya sa kinakalabasan ng kanyang dapat ay launching movie na Green Paradise.

Kuwento ni Cristine, maraming parte ng produksyon ng nasabing pelikula ang hindi niya raw maintindihan.

"Tulad na lang ng isang eksena na dapat ay medyo dramatic. Sexy ‘yon at kinunan ‘yon, kasama ko ang leading man ko na si Andrew Schimmer. Tapos nung iyakan part na, malayo ang kuha. Paanong makikitang umaarte kami? Todo-emote pa naman kami nun," litanya ni Cristine.

"'Yung pagpapa-sexy, napag-usapan namin ‘yon. Siguro nga, isa ‘yon sa mga dahilan kung bakit [ayaw ko na sa project]," pahabol pa niya.

Malinaw na may ilang hindi pagkakaintindihan si Cristine at ang kanyang direktor sa pelikula. May nagtanong pa sa kanya kung naging problema ba niya ang pag-inom ng alak umano ng nasabing direktor habang nagsu-shooting.

"Wala naman akong problema dun," sabi ni Cristine. "Naiintindihan ko na may mga lalaking ganoon na kailangan nilang uminom para ma-motivate sa kanilang trabaho. Pero dapat naman sana nagagawa ng maayos ang kanilang trabaho, di ba?"

Nilinaw naman ni Cristine na wala silang naging problema ng kanyang producer. Mabait pa nga raw ito at understanding.

Sa tinatakbo ng mga pangyayari, mukhang bibitiwan na nga ni Cristine ang proyekto kahit may ilang araw na raw silang nagsu-shoot.

"Kasi ang ganda ng feedback sa FHM nung nag-pose ako. Kung hindi ko rin lang naman maibibigay nang maganda ang pelikulang ito, huwag na lang. Baka makasira pa sa nasimulan ko," rason ni Cristine.

Hindi rin itinanggi ng dalaga na dumagsa ang mga offers na sexy films sa kanya nang mag-pose siya para sa FHM.

Pero tulad daw dati, pag-aaralan niya muna ang mga ito bago tanguan para hindi na muling magkamali pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN