Yilmaz Bektas suddenly arrives in Manila


Turkish businessman Yilmaz Bektas arrived in the country around 5 PM today. "I hope so, that’s why I’m here," said Yilmaz when asked if he is reconciling with estranged wife Ruffa Gutierrez.


Nasorpresa ang lahat nang sumulpot sa NAIA, lulan ng United Emirates Airways kaninang alas-singko ng hapon, ang estranged husband ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas. Wala kasing halos nakakaalam na darating ang Turkish businessman ngayong araw sa Pilipinas.

Sinalubong si Yilmaz ng TV crews ng ABS-CBN at GMA-7 at ng iba pang miyembro ng press. Ayon kay Yilmaz ay susubukan uli niya na buuin ang kanyang pamilya.

Alam daw nina Ruffa at ng kanyang inang si Annabelle Rama ang pagdating ni Yilmaz. Hindi na rin daw kailangang mag-isyu ng travel ban para kay Yilmaz dahil alam ni Ruffa na gusto ring makita ng kanilang mga anak na sina Lorin at Venice ang kanilang ama.

Nang tanungin kung kumusta na ang relasyon nila ni Ruffa, sinabi ni YIlmaz na: "We're fine now. We're gonna be much more fine."

Mananatili raw sa Pilipinas si Yilmaz ng isang linggo hanggang sampung araw.

Nang may nagtanong naman sa kanya kung isasama niya na pabalik ng Turkey ang kanyang pamilya, sinabi ni Yilmaz na, "Let's see. I don't know what's going to happen."

Umaasa rin si Yilmaz na magkakabalikan sila ni Ruffa. "I hope so, that's why I'm here," sabi niya.

Positibo rin ang kanyang sagot nang tanungin kung mahal pa niya ang ina ng kanyang mga anak: "Of course, I do."

Sinabi rin ni Yilmaz na makikipagkita siya sa pamilya ni Ruffa upang makipag-ayos.

"I would like to see them face to face. I'm gonna speak with them," aniya.

Dumiretso sa Makati Shangri-La si Yilmaz. Nakapag-check-in siya sa naturang hotel bandang 6:40 ng gabi.

Nakatakdang magkita ngayong weekend sina Yilmaz at Ruffa at kanilang mga anak.

Samantala, nakakuha naman ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag mula kay Ruffa tungkol sa pagdating ni Yilmaz.

"Long overdue. The kids miss him and seeing them happy is what's important," sabi ni Ruffa sa text message na ipinadala niya sa PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN