Cogie Domingo seen holding hands with Angel Locsin at airport


Young actor Cogie Domingo has returned from the United States to do a show for GMA-7. He arrived last Thursday, August 9, the same day Angel Locsin arrived. The two were seen holding hands, but Cogie just smiled when asked about this.



Eclipsed by the arrival of controversial young actress Angel Locsin last Thursday morning, August 9, halos nakasabay ang pagbalik din ni Cogie Domingo from the States.

More than two months nagbakasyon si Cogie together with his family—mother Zen Domingo and his sibling twin—pagkatapos ng kanyang last show for GMA-7, ang Bakekang.

May sariling business sina Cogie and his mother sa West Virginia. Nagsu-supply sila ng mga Filipina nurses sa iba't ibang hospital doon.

Aksidenteng nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Thursday night sa Tomas Morato si Cogie as he was about to have dinner with Cristy Fermin. Nabanggit sa amin ng young actor na ang GMA-7 ang nagpabalik sa kanya. May bago raw siyang show na sisimulan, pero hindi niya pa alam kung anong show ito.

"Next week pa lang mag-uusap about this," sabi ng nakangiting Cogie sa amin.

May kalusugan si Cogie ngayon, hindi naman masasabing mataba pero more than his usual self. Hindi pa rin naman nawawala ang kaguwapuhan niya at ang kanyang boyish look.

Habang naglalakad kami papunta sa meeting place nila ni Cristy, naitanong namin ang isang naisulat agad na tsismis na nakita raw silang magka-holding hands ni Angel sa airport. Natawang bigla si Cogie.

Alam daw niyang nasa United States si Angel. Alam din niyang nagbalik na nga ang young actress at nagkita sila sa airport, pero hindi niya alam na magkakasabay sila sa pag-uwi.

Noon pa man, crush ni Cogie si Angel. Hindi sila nagpang-abot sa Click noon dahil first batch si Cogie at second batch naman si Angel. Ngunit nang panahon na nagki-Click na si Angel, madalas na naabutan namin si Cogie doon or his driver na nagdadala ng frappucino from Starbucks for the young actress.

Laking tuwa noon ni Cogie nang mag-partner sila ni Angel sa third season story ng Love to Love na "Kissing Beauty" at si Dennis Trillo ang ka-love triangle nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na nakapanligaw noon si Cogie dahil nagkaroon na ng Miko Sotto si Angel. On screen naman, sina Dennis at Angel ang naging perennial partner starting with Darna kung saan nagkaroon din ng special appearance si Cogie bilang kaisa-isang character outside of the regular cast na nakakaalam ng sikreto nina Narda at Darna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN