Rhian Ramos: There's life after Richard Gutierrez


"Parang the whole time that I've been in showbiz, kasama ko siya... Siguro sa next project na gawin ko, curious lang ako kung ano'ng gagawin ko without him," says Rhian Ramos about starring in a TV project without her perennial leading man, Richard Gutierrez.



Magwawakas na sa Biyernes, August 17, ang Lupin ng GMA-7. Sa thanksgiving party na ibinigay ng Kapuso Network para sa Lupin, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa mga leading ladies ni Richard Gutierrez na si Rhian Ramos kung ano ang pinakami-miss niya sa naturang serye.

"‘Yung EP [executive producer] namin, si Ms. Helen [Sese]!" sabi ni Rhian. "Sa mga artista? Siguro si ‘Chard, kasi well, di ba, ‘yung first movie ko siya ‘yung kasama ko.

"‘Yung first project ko sa GMA siya ‘yung kasama ko, second project sa GMA siya pa rin. So parang the whole time that I've been in showbiz, kasama ko siya, na parang nakaka-nervous na for the next project na gawin ko. Kunwari, like for TV, kasi sa movie nagka-project na ako na hindi siya ang kasama ko. Pero for TV, siguro sa next project na gawin ko, curious lang ako kung ano'ng gagawin ko without him," sabi ni Rhian tungkol kay Richard.

Unang nagkasama sina Rhian at Richard sa Captain Barbell na sinundan nga ng Lupin. Sa movie debut naman ni Rhian na The Promise, bida sina Richard at Angel Locsin.

On a different note, hiningan namin ng paglilinaw si Rhian sa kumakalat na hate email kay Boy2 Quizon na ipinagkakalat diumano nito na natikman na niya ang lahat ng mga leading ladies sa Lupin, partikular na si Katrina Halili.

"I think both Boy2 and Katrina are not capable of doing that. Kasi kilala ko si Kat, parang super-focus siya ngayon sa career niya, e. She really gave up all the other things that could distract her.

"Sabi niya, ‘Hay naku, ayoko na sa boys! Ayoko na sa ganyan-ganyan!' As in very vocal na siya about that, e. So I think the both of them are not capable of doing that.

"Tsaka si Dos naman, he has so many dreams, ang dami niyang gustong ma-achieve, so he's really working hard on himself and his dreams right now. So I don't think na makakahanap pa siya ng time to do stuff."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ni Rhian na hindi totoo na may jamming session ng droga, courtesy rin diumano ni Boy2, sa set ng Lupin. Puro trabaho raw ang inaatupag nila sa taping, lalo na lately dahil matatapos na nga ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN