Jimuel Pacquiao defends girlfriend Heaven Peralejo from bashers

IMAGE Glenn Regondola

Jimuel Pacquiao on 'gold digger' accusation against girlfriend Heaven Peralejo: "They don’t really know who she is, what she’s like."


Mariing kinontra ni Jimuel Pacquiao ang paratang ng ilang bashers na pera lamang ang habol sa kanya ng girlfriend na si Heaven Peralejo.

Si Jimuel ang panganay na anak ng Pambansang Kamao at senador na si Manny Pacquiao at ni Jinkee Pacquiao.

Mula nang maging hayag ang relasyon ni Jimuel kay Heaven, kung anu-ano na ang paratang na ibinabato sa Kapamilya young actress.

Umabot pa nga sa puntong tinawag na “gold digger” ng bashers ang dalaga.

Depensa ni Jimuel sa kasintahan, “They don’t really know who she is, what she’s like.

“Ako, kilala ko po siya, si Heaven, kasi girlfriend ko siya.

“So, ang masasabi ko lang po ay... no way, she’s not!

“There’s no way na ganun siya.”

Ang importante raw ay mahal niya si Heaven.

Maging ang mga magulang niyang sina Jinkee at Manny ay boto sa kanilang relasyon.

Ayon kay Jimuel, “Na-meet naman po na nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And they are very supportive kasi nakita naman nila na mabait si Heaven, na Christian.

“Christian po kaming dalawa. Nagtsi-Church po kami together.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Jimuel sa media launch sa kanya bilang pinakabagong celebrity endorser ng BNY Aparrel.

Ginanap ang mediacon sa Prime Hotel, sa Quezon City, nitong Lunes, June 10.

MEANT TO BE

Anim na buwan na ang kanilang relasyon, at ang pakiramdam ni Jimuel ay “meant to be” sila ni Heaven.

Saad ng 18-year-old product endorser, “Sa tingin ko naman po kasi, like, parang hindi po kami naghanap.

“Parang nagkita lang kami, ‘tapos naging close kami.

“At first, naging friends muna kami bago ako nanligaw.

“Actually, marami na po akong challenges na napagdaanan, kasi first time ko naman manligaw na super formal talaga.

“Like, kinausap ko po yung mommy niya, yung daddy niya, at saka yung grandparents po niya sa both sides.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya nalamang si Heaven na talaga ang babaeng gusto niyang maging kauna-unahang girlfriend?

Sabi ni Jimuel, “At first, friends lang po kami.

“And then, we know each other na po, and she’s really nice.

“And marami po kaming characteristics na tugma po.

“Lahat po talaga parang naging swak lahat.

“Naging isang way na lang po, ganun.”

Inamin ni Jimuel na malaking impluwensiya si Heaven sa kanya na subukan ang modelling at pagiging product endorser.

Saad niya, “Honestly, she’s one of the reasons po.

“At saka, maganda naman po yung offer.

“She’s very supportive naman po sa lahat ng gusto kong gawin, even sa boxing ko.

“She’s always there for me…”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN