Sam Milby to hold solo concert "SAMania" on August 18


Sam Milby will hold his concert at Metro Bar. He is also happy about the possibility of working with the new Kapamilya star Angel Locsin.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sam Milby kagabi, August 10, sa High Moon Studio sa Montreal St. sa Cubao sa rehearsal nito para sa SAMania, ang concert niya sa Metro Bar sa August 18, Sabado ng gabi.

Ang show na ito ay produced ng First High Productions ng aktres na si Sylvia Sanchez kasama ang mga kaibigan nitong sina Anne Rigor, Myles Gamboa, at Bobby Casuela. Mga guests sa show ni Sam ang First High Kids at ang komedyanang si Ethel Booba.

First time daw makakasama ni Sam si Ethel sa isang song number.

"First time doing a duet, yes, but I had a show that had her, a concert or a show that she's in the show, too. Baka it was in ASAP siguro," bungad ni Sam.

Kilala si Ethel na very playful onstage at very naughty. Ready na ba si Sam kay Ethel?

"I don't know if I'm ready, but I guess I'm curious. I think I'll be okay," sabi niya.

Sa isang panayam namin dati kay Sam, tinanong namin siya kung sino sa mga GMA-7 stars ang gusto niyang makatrabaho. Isa si Angel Locsin sa mga binanggit niyang pangalan.

Since pumirma na nga si Angel kaninang umaga, August 11, ng kontrata sa ABS-CBN, magkakaroon na ng katuparan ang hangarin na ito ni Sam.

"Siyempre, I'm happy that I'm gonna be given the chance to work with her. Siyempre now, I have a lot better chance of working with her," sabi niya.

One of the busiest male stars sa showbiz si Sam, nabe-burnout din ba siya?

"There have been times where I felt na it was quite a bit for me. I didn't wanna say na I wanna quit, but it was a challenge. It was really, really challenging at the time.

"I wouldn't say na burnout. Siyempre, mas matagal siya [Angel] sa showbiz, and grabe! I can understand..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Almost two years na si Sam sa showbiz, five years naman si Angel.

"But siya, mas sunud-sunod, I mean, movies, soap... I always see her, non-stop. So I mean, I can understand na she would be like... no break. I completely understand na she'll feel burned out. She should, you know, take a break every now and then," pagtatapos ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN