PEP EXCLUSIVE: Jennylyn Mercado no show at Artist Center's anniversary special


Jennylyn Mercado did not show up at Artist Center's seventh anniversary special in Showbiz Central earlier today. The young actress, according to her camp, is still depressed even after meeting with Artist Center head Yda Henares.



Kaninang hapon, August 12, ay ipinagdiwang ng Artist Center, ang talent arm ng GMA-7, ang kanilang 4th anniversary via a special presentation sa Showbiz Central sa Broadway Centrum. Halos lahat ng contract artists ng Artist Center ay nandoon, kasabay ng pagpapakilala ng bagong Kapuso stars.

Kapansin-pansin ang absence ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor na si Jennylyn Mercado sa naturang pagdiriwang.

Ilang araw bago ang special presentation ng Showbiz Central ay lumabas ang balita na kasama si Jennylyn sa list of performers. Sa katunayan, ito dapat ang magsisilbing reunion nila ng dati niyang ka-loveteam at ex-boyfriend na si Mark Herras. Malamang na sa number ng mga StarStruck winners sana kabilang si Jennylyn kung dumating siya.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isang staff ng Showbiz Central kung bakit wala si Jennylyn sa anniversary special ng Artist Center. Ayon sa staff ay tumawag daw ang young actress sa kanila kaninang umaga at sinabing hindi raw siya makararating dahil masama raw ang pakiramdam niya.

Upang maliwanagan ang lahat, kinuha rin ng PEP ang pahayag ng kampo ni Jennylyn tungkol sa hindi nito pagsipot sa Showbiz Central.

Sa text message na natanggap ng PEP mula sa isang malapit na tao kay Jennylyn, hanggang ngayon daw ay depressed pa ang young actress pagkatapos ng meeting niya with Artist Center head Yda Henares last Thursday, August 9. "Hindi [siya] makausap ng matino," sabi pa ng kampo ni Jennylyn.

Nalaman din namin mula sa kampo ng young actress-singer na base sa meeting na iyon ay wala pa ring kasiguruhan kung ano ang plano sa kanya ng Artist Center. "Wala pa ring project and walang sinabi sa kanya kung kailan siya bibigyan."

Ito raw ang dahilan kung bakit labis na nadi-depress si Jennylyn, na lalo pang lumala nang mapanood niya ang interview sa kanya ng Startalk kahapon, August 11, dahil marami raw na-edit sa kanyang mga sinabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinasabing ang nangyayaring ito sa career ni Jennylyn ay may kinalaman pa rin sa alitang namamagitan sa GMA-7 at sa manager ni Jennylyn na si Becky Aguila, bunsod ng paglipat ng dating Kapuso star na si Angel Locsin sa ABS-CBN.

Bagama't nagpahayag na ang executives ng GMA-7 na walang dapat ipag-alala si Jennylyn, tila taliwas ito sa depression na nararamdaman ngayon ng young actress.

Magkatuwang ang Artist Center at si Becky sa paghawak ng showbiz career ni Jennylyn. Hanggang February 2009 pa ang kontrata ni Jennylyn sa Kapuso Network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN