FIRST READ ON PEP: Katrina Halili confronts DJ Mo Twister


Katrina Halili and DJ Mo Twister came face to face during the anniversary special of GMA Artist Center in Showbiz Central yesterday. The sexy young actress confronted the controversial disc jockey-host for his negative comments about her.



Saksi ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa ginawang pagtatalak at paninita ni Katrina Halili kay DJ Mo Twister sa naganap na 4th anniversary celebration ng GMA Artist Center sa Showbiz Central kahapon, August 12, sa Broadway Centrum.



Matagal nang may sama ng loob si Katrina kay DJ Mo simula nang sabihan siyang "bad actress" ng controversial disc jockey sa radio show nito na Good Times With Mo.



Lalong nadagdagan ang ngitngit ni Katrina kay DJ Mo nang sabihin nito on-air sa Showbiz Central last week na mas gusto nito si Cristine Reyes kesa sa kanya. Nagtataka raw si DJ Mo kung bakit mas ginusto ng mga text voters si Katrina over Cristine. Para raw lumalabas na walang karapatang manalo si Katrina over Cristine.



Sa interview ni Katrina sa presscon ng Marimar ay sinabi nito na hindi niya gusto ang ugali ni DJ Mo dahil hindi raw ito totoong tao as he claims to be. Kapag magkaharap daw sila ay ang bait-bait daw nito sa kanya, pero kapag nakatalikod na siya ay sinisiraan daw siya nito at kung anu-ano ang sinasabi.



Kaya hindi na pinalagpas ni Katrina ang pagkakataon na kumprontahin si DJ Mo nang mag-break for commercial ang Showbiz Central sa isang gap nito. Sunud-sunod na talak mula kay Katrina ang natanggap ni Mo. Wala namang magawa si DJ Mo kundi ang mag-explain at mag-deny sa mga sinasabi niya.



"Ewan ko sa ‘yo!" ang huling narinig namin mula sa bibig ni Katrina sabay tinalikuran na niya si DJ Mo.

Hinabol ni DJ Mo si Katrina papuntang backstage ng Broadway Centrum pero hindi na niya ito nahabol. Nakita na lang namin si DJ Mo na pailing-iling pabalik sa set.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN