Gab Valenciano slams Rodrigo Duterte and his followers anew

Apr 18, 2016
<p>Musician Gab Valenciano posts a lengthy post criticizing Mayor Rodrigo Duterte, as well as his followers.</p>

Muling nag-status sa kanyang Facebook account si Gab Valenciano laban kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos niyang punahin ang presidential candidate dahil sa naging pahayag nito tungkol sa isang Australian rape and murder victim.

Unang kinontra ni Gab si Duterte sa kanyang Facebook post noong December 2015; dito ay kinuwestyon niya moralidad ng alkalde.

Nakatanggap naman ng pambabatikos si Gab sa ginawa niyang status mula sa mga tagasuporta ni Duterte, at idinamay pa ang pamilya ang musician.

Read: Gab Valenciano gets bashed for criticizing presidential candidate Rodrigo Duterte

Ngunit sa kanyang post ngayong Lunes, April 18, hindi lang ipinahayag ni Gab ang kanyang pagbatikos kay Duterte, kundi pati na rin sa mga nagbabalak i-bash siya sa kanyang latest post.

Ayon kay Gab, natuto na siya mula sa paglalabas ng kanyang opinyon tungkol sa mga isyung may kinalaman sa pulitika.

“But this seriously has to be addressed. And also, this country needs to freaking wake up,” aniya, kaugnay ng pinakahuling isyu kay Duterte.

Continue reading below ↓

Maging ang mga tagasunod ng alkalde ay kinuwestiyon ng anak ni Gary Valenciano.

“One thing I don't understand about this guy (amongst a multitude of other things) are his followers, and how much compromise goes into consideration when supporting him.”

Aniya, wala siyang personal na galit kay Duterte dahil hindi pa sila nagkikita.

“Davao is beautiful. Kudos. Respect.

“But he's running for President. The highest and most powerful rank in office of any country.

“You think Manny Pacquiao has power and influence? Try being President.”

Tanong pa niya sa netizens, “Have you actually been to a gathering? Have you actually listened to his road map to prosperity and redemption for this country? Have you listened to his radio interviews? Have you seen his videos at least?

“My God. People. Leading is more than just ability.

“Consistency, character and influence is key. KEY.”

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Gab, ang tanging naririnig niya sa mga tagasuporta ni Duterte na nagnanais ng pagbabago ay “excuses” at handang ipagpalit “parts of their soul to acquire that change."

“Excuses. Excuses. Excuses.”

Sa bawat pagkakamali umano ni Duterte ay kokontrahin ito sa pamamagitan ng pagdepensa sa kakayahan nitong gawing maayos ang Pilipinas.

At kukutyain ang iba pang presidential candidates para lang ipalabas na mas deserving si Dutere.

“You point out the corruption of [Jejomar] Binay, inability and insincerity of [Grace] Poe, and laugh and share memes of [Mar] Roxas, yet Glorify this man [Duterte].

“Obviously, all our current candidates are not perfect. But do not go out of your way to bash the others and deem yours most eligible and deserving.”

Hirit pa ni Gab sa mga tagasuporta ni Duterte, pinipili nilang magbulag-bulagan sa mga pangit na katangian ng kanilang kandidato at pakikinggan lang ang gusto nilang pakinggan.

Continue reading below ↓

FIRST ANTI-DUTERTE POST. “I wrote about him a couple of months back and his supporters wished DEATH on me and my family. Wished RAPE on my loved ones. And cursed everything I am.

“I was even invited to Davao so all these things could be done to me and my family. And they would laugh and videotape it all.

“The messages were in the thousands on all platforms.

“Unreal.

“But this is the reality.

“It's scary to think a lot of these creepers out there now find justification in him. Filipinos naturally follow by example.

“For the educated ones, you know better so you're fine. Support him because you believe in his platform.

“But what about the less fortunate? What about the people who follow what they see or hear without even thinking about it because it sounds and looks good?”

Continue reading below ↓

Ani Gab, tumatanggi siyang i-represent ang isang taong walang pagpapahalaga sa "basic requirements of being a great leader," o bilang isang tao.

Hindi naman daw malaking kahilingan para maglabas si Duterte ng isang public statement upang hikayatin ang kanyang mga tagasunod na kumilos ng kaaya-aya.

“People want change, you're tired of the system, you can't take it anymore, you want our country back, but at the cost of what? Our humanity? Our culture? Our history?

“Think deep. And think hard. We are better than this.”

EXPECTING TO BE BASHED. Nakahanda na raw si Gab na makatanggap ng pambabatikos mula sa mga tagasuporta ni Duterte dahil sa kanyang post.

“I am already expecting a plethora of crass messages and comments from his keyboard warrior supporters who A. May not even be registered and B. May not vote even if registered.

“Yes. I know the numbers. So bring it on. Your presence here will reinforce this rant. Prove me right by attempting to prove me wrong in the only way you know how,” paghamon pa ng singer/dancer.

Continue reading below ↓

May mensahe rin si Gab sa mga “idiots” na ikinukumpara ang istorya ng kanyang mga magulang.

Binatikos kasi ang pamilya ni Gab, tungkol sa pagkakaroon ng girlfriend ng amang si Gary V sa edad na 19-anyos at nakabuntis ng isang babae habang nasa isa pang relasyon.

Ang sinasabing nabuntis ni Gary V ay ang asawa ngayong si Angeli Pangilinan at ang sinasabing karelasyon nito noon ay ang nakababatang kapatid na babae ni Angeli, tita ni Gab. 

“And to all the idiots who compare him to my parents' backstory ummm, 30+ years ago, let me enlighten you. My dad was 19. My mom was 25. My dad was with my Tita, my mom’s sister.

“My dad fell in love with my mom. They got together. My mom got pregnant and had my brother.

“Fast forward to today. They've been married 31 years, with the addition of me and my sister.

Continue reading below ↓

“Our relationship with my Tita and her family is amazing.

“And no, my dad isn't running for the highest ranking position in the country. Your argument is juvenile. Go home. Oh, and this entire story was featured on a show years back. So no, it was never a secret.

“And to all my friends who support him, I love you and our friendship soars above any issue. So I respect your decisions. Respect mine.”

Kabilang sa mga kapwa-artista ni Gab na sumusuporta kay Duterte ay sina Aiza Seguerra at Richard Poon.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Musician Gab Valenciano posts a lengthy post criticizing Mayor Rodrigo Duterte, as well as his followers.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results