Iza Calzado celebrates birthday with cancer-stricken children


"Kaya naisip ko, yeah, magandang idea ‘yon, bakit nga ba hindi? Makapagpapasaya pa ako ng mga bata. From there, taon-taon ko nang ginagawa ito," says Iza Calzado about celebrating her birthday at Philippine Children's Medical Center.



Napaiyak ang aktres na si Iza Calzado sa kakaibang pagdiriwang ng kanyang 25th birthday kasama ang mga batang may cancer sa Philippine Children's Medical Center (PCMC) sa Agham Road, Quezon City.

Naroon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Sabado, August 11, sa naturang selebrasyon na tatlong taon na palang ginagawa ng aktres.

Kahapon, August 12, ang aktuwal na kaarawan ni Iza subalit dahil sa dami ng kanyang commitments,—kasama na ang taping para sa soap opera na Impostora—noong Sabado siya nakipag-bonding sa mga batang may cancer sa naturang hospital.

"Nagtatrabaho kasi rito ‘yung pinsan ko. Then, nabanggit niya na isa sa mga pasyente rito ay gusto kaming makita ni Sarah Geronimo. Wala naman kaming contact that time kay Sarah kaya ang nangyari, ako na lang ang nakapunta. Nang dumalaw nga ako sa batang ‘yon, hindi siya bumabangon ng ilang araw, pero nang dumating ako, tumayo talaga siya.

"Then, sabi nila, why don't I celebrate my birthday with the kids? Kaya naisip ko, yeah, magandang idea ‘yon, bakit nga ba hindi? Makapagpapasaya pa ako ng mga bata. From there, taon-taon ko nang ginagawa ito," kuwento ng Hollywood-bound na si Iza.

Sari-saring kasiyahan ang idinaos sa PCMC, kabilang dito ang sayawan sa pangunguna ng director nitong si Dr. Julius Lexiones at mga batang may sakit, magic show, kainan, at gift-giving para sa mga bata tulad ng bags, raincoats, toys, at pabango.

Surprise guest that afternoon ang young star na si Rhian Ramos na close friend ni Iza at co-star niya sa pelikulang Ouija. Kaya't sa sobrang pagka-overwhelm ay napaiyak ang aktres.

Ayon kay Iza, "Kaya ako napaiyak, actually, kanina pa ako halos mangiyak-ngiyak, e, ang dami ko kasing pinagdadaanan nitong mga nakaraang araw. Talagang para akong lumulutang dahil biglaan nga itong pag-alis ko this Monday [August 13] papuntang Canada. Tapos, nagkataon nga na dumating pa si Rhian, kaya na-surprise at na-touch talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko kasi na busy din ‘yang si Rhian dahil ang dami niyang raket, e. And she chose to spend her afternoon here with me, so I'm very thankful for her."

Dagdag pa niya, "Ibang klaseng sense of fulfillment ito, kasi kailangan talaga ng mga batang ito na ma-uplift ang kanilang spirit. Isa rin ito sa way ko to return all the blessings na dumarating sa akin. And wish ko sa mga batang ito na sana ay gumaling na sila.

Bago natapos ang okasyon ay pinagkalooban si Iza ng plaque of appreciation sa kanyang walang sawang pagbibigay saya at moral support sa naturang mga bata. Mayroon ding binasang sulat na pasasalamat sa aktres.

Nakatakdang umalis ngayong araw si Iza papuntang Canada para sa shooting ng Hollywood movie na The Echo, remake ng horror film na Sigaw. Gagampanan ni Iza rito ang dati niyang role.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN