Marvin Agustin signs exclusive contract with GMA-7


Marvin is very happy now that he is officially part of the Kapuso network as one of its exclusive talents. "Feeling ko, I'm married," he said to PEP.


Masayang-masaya si Marvin Agustin kahapon, August 12, nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa dressing room ng Broadway Centrum, kung saan ginanap ang ika-apat na anibersaryo ng GMA Artist Center sa Showbiz Central.

Nakangiting ibinalita ng aktor na pumirma na siya ng exclusive contract for two years sa Kapuso network noong mismong araw na ‘yon.

"Just this afternoon," pahayag ni Marvin sa PEP habang nagpapahinga, kasama ang ibang GMA-7 talents.

Ayon kay Marvin, noong umpisa pa lang daw ay naramdaman na niya ang pagpapahalaga ng nasabing istasyon sa mga talents nito. Ito diumano ang malaking dahilan kung bakit siya nagdesisyon na maging exclusive talent makalipas ang ilang taon din na pagiging freelancer.

"Parang I just felt na it's about time. Parang ngayon nga, feeling ko, I'm married. I'm very very happy," sambit ni Marvin.

Itinanggi ni Marvin na mas madaming perks o advantages ang pagiging exclusive talent. Bagama't inamin nito na iba pa rin ang may security pagdating sa trabaho at ang pakiramdam na parang may bahay kang uuwian sa araw-araw.

"It's still the same," depensa ni Marvin nang inusisa namin siya tungkol sa nilalaman ng kontrata. "Actually, mas ako ang nagsusukli ng pagmamahal na ibinigay nila sa akin. Kasi dati pa, ever since I moved in here, pinaramdam na nila sa akin ‘yung pagmamahal na ‘yon. Everything would still be the same."

May ilang proyekto na raw na nakalaan para sa kanya bagama't hindi pa nito alam ang lahat ng detalye.

PAULEEN & ANGEL. Hindi na rin namin pinalagpas ang pagkakataon upang itanong kung ano ang reaksiyon niya sa pag-amin nina Pauleen Luna at Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian sa kanilang relasyon. Dating nanligaw si Marvin kay Pauleen subalit mas ninais ni Pauleen na mapanatili ang kanilang friendship dahil na rin sa kahilingan ng mga magulang ng dalaga.

"I'm very happy for them. I actually spoke with her the other day and she is very happy, kaya naman happy ako. Kaibigan natin ‘yon," sinserong pahayag ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinuha rin namin ang pahayag ni Marvin tungkol sa kasalukuyang kinakaharap ng minsang napabalitang nililigawan nito na si Angel Locsin.

"I wish her well," sabi niya. "I only wish her the best. Mabait ‘yong tao na ‘yon. Siyempre ngayon lang, medyo she made a decision about her career. But I wish her well."

Binanggit sa amin ni Marvin na isang buwan na rin mula nang huli silang nagkita ni Angel sa San Diego, California, kung saan ipinalabas ang pelikula nilang Angels.

"That was the last time we saw each other and also the last time that we really talked. Pero pinagdadasal ko naman siya and lahat ng magiging desisyon niya sa buhay," pagtatapos ni Marvin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN