Charee Pineda also affected by the transfer of Angel Locsin


Charee Pineda, one of the talents of Becky Aguila, admits she felt her career was affected by the transfer of Angel Locsin in ABS-CBN. She says, "Noong una po feeling ko nadamay ako kasi one month po akong walang taping pero hindi naman po siguro kasi si Tita Becky naman po ang nag-aayos. Tiwala naman po ako sa kanya."


Hindi maikaila ng teen star na si Charee Pineda, isa sa mga talent ni Becky Aguila, na kahit papaano ay naramdaman niyang nadamay siya sa kontrobersyal na paglipat ng isa pang talent ni Becky na si Angel Locsin mula sa ABS-CBN.

Sa presscon ng Love Spell: Bumalaka, Bulalakaw Boom! kanina, August 13, sa 9501 restaurant, ABS-CBN compound, marami ang nagtaka kung bakit nakasama si Charee sa poster ng nasabing programa.

Matatandaan na unang nakilala nang lubos si Charee sa teen show na Let's Go. Ngunit agad din naman siyang nawala sa naturang programa dahil inalok diumano siya ng GMA-7 na gumanap bilang Trish Alvarado sa Impostora, na kasalukuyan pa rin namang mapapanood sa GMA Telebabad.

Agad din nilinaw ni Charee na maayos naman siyang nagpaalam sa director ng Let's Go na si Direk Edgar "Bobot" Mortiz. "Sinabi naman ni Direk Bobot na kung okay ang gagawin kong move [paglipat] okay lang naman daw," pahayag ni Charee.

Ayon pa kay Charee, kung sakaling hindi maging maganda ang kinalabasan ng paglipat niya, tatanggapin pa rin siya ng dati niyang director sa Let's Go.

Sa muli niyang pagbalik sa ABS-CBN, marami tuloy ang nagtanong kung isa ito sa mga epekto ni Angel dahil iisa lamang ang kanilang manager.

"Noong una po feeling ko nadamay ako kasi one month po akong walang taping pero hindi naman po siguro kasi si Tita Becky naman po ang nag-aayos. Tiwala naman po ako sa kanya," sagot ni Charee.

Sa ngayon, magkasabay na nagte-taping si Charee para sa Impostora at Love Spell. Ayon sa kanya, hindi naman magiging problema ito dahil wala naman siyang pinirmahang kontrata sa dalawang network. "Freelancer po ako [ngayon]," natatawa pang pahayag ng dalaga.

TYRONE PEREZ. Matapos pag-usapan ang muling paglabas ni Charee sa Kapamilya network, agad siyang tinanong ng isa sa mga reporter tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend for three years na si Tyrone Perez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idiniin ni Charee na hindi gimik ang breakup nila ng StarStruck Avenger. "Break na po talaga [kami] three months na," dagdag pa ng 17-year-old na aktres.

Bagama't hiwalay na sila, inamin naman ni Charee na hanggang ngayon ay may komunikasyon pa rin sila ng kanyang dating boyfriend. Aniya, "Nagte-text-text pa rin po kami kasi naging sobrang close na po siya sa family ko, naging close na rin po ako sa family niya. So sabi po namin kahit po break na kami ganun pa rin."

Ayon kay Charee, 14 years old lamang siya nang maging boyfriend niya si Tyroe. "[Ang] bata ko pong lumandi!" natatawang sabi ni Charee, "Sabi po kasi ng daddy ko, ‘Hay naku, anak, ang bata mong lumandi.'"

Sa ngayon, wala raw nanliligaw sa dalaga. Ayaw rin naman niyang magbigay ng pangalan dahil, "[kung] sabihin ko naman na sila ang nanliligaw sa akin, kapag in-interview sila dinenay nila ako nakakahiya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN