Isabel Oli collapses during taping due to low blood sugar


"Sa mga nagsasabi na buntis ako, nasa akin 'yung result ng check-up ko. Kung gusto nilang makita, always welcome naman, ipapakita ko sa kanila," says Isabel Oli in reaction to rumors that she is pregnant.



Nabalita na biglang hinimatay sa taping ang isa sa cast member ng GMA-7 soap opera na Mga Mata Ni Anghelita na si Isabel Oli. Sabi-sabi, ang dahilan ay buntis diumano ito sa anak nila ng boyfriend na si Paolo Contis.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Isabel noong August 12 sa fourth anniversary special ng Artrist Center sa Showbiz Central. Mariin niyang itinanggi ang balitang buntis siya.

"May cough ako, tapos may fever ako nung time na 'yon. Lahat ng eksena from morning till 8:00 p.m., puro mga heavy, iyakan talaga. Tapos ang init pa sa location namin. Saka three straight days akong nagtrabaho kaya nahilo lang ako. Hindi naman ako nag-collapse," paliwanag ni Isabel.

"Sa mga nagsasabi na buntis ako, nasa akin 'yung result ng check-up ko. Kung gusto nilang makita, always welcome naman, ipapakita ko sa kanila. Gusto ko lang sabihin sa kanila na kung nahilo ang isang tao, hindi naman dahil buntis lang. Maraming dahilan pero bakit buntis lang? Pero okay lang kung 'yon ang iniisip nila sa akin. Pero hindi talaga ako buntis."

Dagdag pa niya, "Ang sabi sa akin ng doktor, low-blood sugar kaya raw ako nahihilo. So, I need more sugar sa katawan. Nagpahinga lang ako ng four days, tapos balik na ako sa taping."

Aminado si Isabel na napikon siya nang unang marinig ang intrigang buntis siya.

"At first, talagang napikon ako," sabi niya. "Kasi bakit parang...ba't naman buntis? Ang dami namang puwedeng sabihin, e. Pero siyempre, di ba, 'yung mga tao mas gusto nilang manira?"

Kaya siguro nasabi ng iba na buntis siya dahil iniisip nila na may nangyayari na sa kanila ng boyfriend niyang si Paolo.

"Kami ni Paolo, hindi namin pina-practice 'yon [pre-marital sex]. And ano 'yon, e, it's really bawal for us, lalo na sa religion namin. Kasal muna bago 'yun," giit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naghiwalay pagkatapos ay nagkabalikan din sina Isabel at Paolo. Ano sa tingin ni Isabel ang isang bagay na magagawa ni Paolo para tapusin niya na totally ang pakikipagrelasyon dito at hindi na muling makipagbalikan pa?

"Kung mahuli ko siyang may ibang babae," mabilis niyang sagot. "Siyempre ayoko naman ng may kahati sa pagmamahal niya, di ba?"

Aminado naman daw si Paolo na noong hindi pa niya girlfriend si Isabel ay marami siyang mga fling. Pero ngayon daw ay hindi niya na 'yon ginagawa. Si Isabel na lang daw ang nag-iisang babae sa buhay niya.

Aware naman pala si Isabel na maraming naugnay na babae kay Paolo before.

"Sinasabi naman kasi niya sa akin lahat. Iyon ang pinakagusto ko kay Pao, prangka siya. Hindi siya 'yung nagpapakita lang na 'mabait ako' pero hindi pala, 'yung ganun," huling pahayag ni Isabel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN