Wendy Valdez dismisses rumor she's mistress of rich TV executive


"Kung ang offer na ‘yon ay for one night only at sayaw-sayaw lang na sexy, bakit naman hindi? Sayang naman ‘yung datung, ‘di ba? Dyusko, sa panahon ngayon, saan ko naman pupulutin ang limang milyong piso, di ba?" says Wendy Valdez when asked if she will agree to do a private show for five million pesos.



Hindi raw ipokrita ang bida sa Margarita na si Wendy Valdez para tanggihan ang alok na five million pesos mula sa isang mayamang businessman para lang mag-private show ito.

"Nagiging praktikal na lang siguro ako," sabi niya sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kung ang offer na ‘yon ay for one night only at sayaw-sayaw lang na sexy, bakit naman hindi? Sayang naman ‘yung datung, ‘di ba? Dyusko, sa panahon ngayon, saan ko naman pupulutin ang limang milyong piso, di ba?"



Gusto ring linawin ni Wendy ang tsismis na kabit diumano siya ng isang mayamang TV executive. Marami kasi ang nagugulat sa mabilis na pag-asenso ni Wendy after Pinoy Big Brother Season 2. Siya kaagad ang nagbida sa teleserye na Margarita na kung tutuusin ay puwede namang ibigay sa mas established na artista ng ABS-CBN.



Ipinagdiinan ni Wendy na pinagpapaguran niya ang lahat ng kinikita niya mula sa kanyang TV show.

"Ganito na lang siguro...kung ako ay babae ng kahit na sinong executive ng Dos, bakit pa kaya ako pinagtatrabaho? Bakit ko pa kailangang magpuyat, e, kaya ko naman palang hingin ang mga gusto ko dahil kabit pala ako?



"Hindi ko magawang magalit kasi nakakatawa ang mga akusasyon nila sa akin. Kung anu-ano na lang kasi. Pati ba naman itong pagbigay sa akin ng show ay naging malaking issue pa?



"Hindi ko ito hiningi. Basta na lang ibinigay nila sa akin ito. Kung ako ay kabit ng sinuman sa Dos, sana binahay na lang ako at sitting pretty pa ako. Hindi pa ako napapagod, di ba? Pero hindi, e. I am still working at makita naman sana nila ang mga paghihirap ko sa trabaho.



"Kung ako ay nakahiga na sa pera, sana hindi na kami nagtitiyaga sa bahay namin sa Navotas na binabaha tuwing umuulan. Sana sa isang malaking bahay sa isang exclusive na subdivision na kami nakatira para wala nang problema. Kaso hindi nga, e. Kayod-marino pa rin ako para magkaroon kami ng pera," mahaba niyang paliwanag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ang balita ay galing mismo sa ibang talents ng ABS-CBN ang mga tsismis na kumakalat tungkol kay Wendy. Ano ang masasabi niya rito?

"Hindi ko na siguro hahanapin pa ang mga taong ‘yon kasi wala ring mangyayari. Kahit na siguro mag-explain ako, pero kung hindi sila maniniwala, wala ring silbi, di ba? Kaya work na lang ako.

"Hindi naman ito ang first time kong maintriga sa trabaho," patuloy niya. "All my life naman, may intriga ako kahit saan ako mapunta. Sanay na ako. Hindi na ako dapat maapektuhan. May mga tao naman diyan na naniniwala sa akin at willing na tulungan ako, no matter what other people think."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN