PBB housemate Dionne Monsanto still awaits release of her sexy pictorial


Pinoy Big Brother ex-housemate Dionne Monsanto will be inroduced in the reunion movie of John Lloyd Cruz and Bea Alonzo. Dionne is also this month's cover of a sexy men's magazine.



Aligaga ang Pinoy Big Brother 2 ex-housemate na si Dionne Monsanto sa kakapaliwanag kung bakit hanggang ngayon, hindi pa lumalabas ang August issue ng Uno magazine kung saan siya ang cover. Lumabas na ang August issue ng FHM kung saan si Cristine Reyes ang pabalat at pati na rin ang three-cover issue ng Maxim ni Wendy Valdez, ngunit ang kay Dionne ay wala pa.

"Tumawag na nga ako sa Uno. Sabi ko, bakit wala pa, marami nang nagtatanong," kuwento ni Dionne sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Sabi, this Wednesday na raw sure na lalabas. Kasi, may mga humabol daw na advertisement," dagdag pa niya.

Other than this, excited si Dionne sa mga upcoming projects niya. Noong una, ayaw niya pa sanang ipasabi dahil baka hindi pa raw puwede kung kaya't tumawag siya sa kanyang handler right then and there to check. After a while, nakatanggap na ng text of approval si Dionne na magkuwento.

Pasok siya sa Book 2 ng Super Inggo. Ang pagkakaalam niya, siya lang ang PBB 2 housemate na ipapasok sa nasabing fantaserye ng ABS-CBN.

Ipakikilala din sila nina Robert Woods at PBB 2 winner Bea Saw sa upcoming movie ng Star Cinema reuniting John Lloyd Cruz and Bea Alonzo. Wala pang pamagat ang pelikula although alam ni Dionne na kahit magkakasama sila rito nina Bea at Robert, hindi raw magkakakilala ang mga papel nila rito.

Si Bea, nagsimula na raw ang workshop for her role, samantalang si Dionne ay wala pa raw tawag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN