Luis Alandy comes home to GMA-7


Luis Alandy started his career at GMA-7, but when he was about to achieve stardom, he transferred to rival network ABS-CBN. Now, after a few years, Luis returns to his home network.



Sa mga hindi nakakaalala, si Luis Alandy ang isa sa mga unang kaso ng controversial transfer from GMA-7 to ABS-CBN.

More than six years ago, hindi pa man umaalagwa ang Click, si Luis ang may biggest potential of the first batch of stars ng nasabing teen show ng Kapuso, that also included Roxanne Barcelo, Biboy Ramirez, Maybelyn dela Cruz, Alessandra de Rossi, Cogie Domingo, among others.

Bago pa man na-introduce ang second batch ng Click to mix with the original cast—kung saan kasama sina Richard Gutierrez, Angel Locsin, Chynna Ortaleza, Railey Valeroso, at Karen delos Reyes—biglang inalis si Luis ng kanyang manager na si Arnold Vegafria sa show at inilipat siya sa ABS-CBN. Ito ang dahilan kung kaya't bigla namang naipasok si James Blanco na alaga noon ni Popoy Caritativo.

Wala pang GMA Artist Center noon kung kaya't walang makapagreklamo sa ginawang paglipat ni Luis. He made a name naman kahit paano sa ABS-CBN ngunit tuluyan na siyang na-eclipse ng second batch of Clickers na sina Richard at Angel, pati ang third batch nito—featuring the first Final Four ng StarStruck na sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi, at Rainier Castillo.

Here and there na lang muna si Luis, nagpa-sexy sa Penis Talk 2 but no follow-up. Si James, lumipat na rin sa manager ni Luis na si Arnold while Popoy decided to concentrate on his other male star, Dennis Trillo.

Superstar na sa GMA-7 si Dennis, wala na si James sa GMA-7 ngayon, samantalang nakabalik na si Luis sa Kapuso network via Impostora.

"I'm happy nakabalik din ako pero ang tagal," sabi ni Luis sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Signos ng Daven Productions.

"Maayos naman akong nakapagpaalam sa ABS. In fact, nagge-guest pa rin naman ako sa kanila, sa Your Song. Nire-request nga ako sa Ysabella sa manager ko, kaso hindi nga puwede kasi nasa Impostora pa ako. Week twelve pa lang, may one month pa bago kami makapagtapos. Sabi they're willing to wait naman daw, kaso hindi talaga puwede.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May kasunod na rin akong project, pero hindi ko pa alam. Basta pang-afternoon soap naman, hindi pa lang sinasabi sa akin kung ano."

Dahil na rin sa exposure niya sa Impostora, may dalawang pelikula si Luis sa forthcoming 2007 Metro Manila Film bukod pa sa isang pelikula ng GMA Films.

"Kasali ako sa Desperadas at sa Resiklo. Sa Resiklo, kontrabida ako; sa Desperadas, ang partner ko si Wendell [Ramos]!" sabay tawa niya.

Wendell is Rufa Mae Quintos's partner in Desperadas at si Luis naman ang ka-triangle ng dalawa.

"Pinagdamit-babae nila ako, naka-drag talaga," sabi ni Luis tungkol sa kanyang character.

Magsisimula na rin si Luis ng kanyang unang pelikula sa GMA Films, ang Dagao ni director Chito Rono, starring Richard Gutierrez and Dingdong Dantes.

"Kontrabida rin ako dito," sabi ni Luis. "Ang nagsulat ng Dagao ay ang direktor din namin dito sa Signos na si Aloy Adlawan. Siya rin ang nagsulat ng Ouija."

Dagao is a Waray word for shadows. Pareho kasing Waray ang direktor at scriptwriter nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN