Mart Escudero admits courting his "Impostora" co-star Jenica Garcia


"Masarap katrabaho si Jenica. Very sweet siya sa lahat ng kasamahan namin. Very friendly siya talaga. Nakaka-in love ang mga taong ganun, di ba?" says Mart Escidero about Jenica Garcia.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang nababalitang nagliligawan ngayon na sina Mart Escudero at Jenica Garcia during the anniversary celebration of GMA Artist Center last Sunday, August 12, sa Showbiz Central.



Mukhang may na-develop na nga kina Mart at Jenica dahil sa pagtatambal nila sa soap opera na Impostora. Balitang kinalimutan na ni Mart ang kanyang ka-loveteam na si Kris Bernal at nabaling na ang atensiyon niya sa anak ng aktres na si Jean Garcia. Isa raw ito sa mga dahilan kung bakit biglang nagkalamigan sina Mart at Kris, na itinanghal pa naman na Ultimate Loveteam ng Starstruck: The Next Level.



Nang tanungin ng PEP si Jenica kung totoo bang pinorpormahan siya ni Mart, ngumiti lang ang dalaga at nagtakip ng mukha. Halatang hindi alam ni Jenica kung ano ang isasagot niya sa amin.



"Tanungin na lang po ninyo si Mart," nahihiyang sabi ni Jenica. "Siya po ‘yung lalake at siya ang nababalitang nanliligaw. Siya na lang ang sumagot kasi mahirap na po kung sa akin manggaling."



Pero gaano na ba sila ka-close ni Mart? Nangyari ba ito after kunan ang kissing scene nila sa Impostora?



"Bago pa naman kunan ‘yung eksenang ‘yon, nagiging close na kami ni Mart. Nagbibiruan na po kami kaya noong kunan ‘yung scene, medyo adjusted na kami sa isa't isa. Nagtatawanan na lang kami noong kunan na kami ni Direk Maryo [J. de los Reyes].



"After po nun, naging close na kami ni Mart. Madalas na kaming magtawagan o magpadala ng text messages. Mabait naman po si Mart, unlike noon na akala ko suplado siya. Palabiro siya at pinapatawa niya ako parati," kuwento ng baguhang young actress.



Bukod sa Impostora ay papasok na rin si Jenica sa teen series na Boys Nxt Door para magkaroon ng love triangle ang team-up doon nina Mart at Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May dapat bang ipagselos si Kris kay Jenica? Totoo rin bang inirapan siya ni Kris nang minsang magsalubong sila sa isang taping sa GMA-7?

"Wala pong ganung pangyayari," tanggi ni Jenica. "Noong una kaming mag-meet ni Kris, okay siya at hindi niya ako inirapan. Tuwing magkakasalubong naman kami, lagi siyang bumabati at ngumingiti sa akin. Wala naman kaming away ni Kris.



"Wala rin siyang dapat na ikaselos kasi hindi ko naman boyfriend si Mart. Friends lang kami at magkasama sa isang show. Ngayon at ipapasok na ako sa Boys Nxt Door, makakatrabaho ko silang dalawa.



"Ayoko namang mabalita na may kaaway ako. Iyan pa naman ang laging sinasabi sa akin ni Mommy [Jean Garcia], na huwag akong magkaroon ng kaaway. Lahat daw dapat ay kaibigan ko."



Bukod sa pagpirma bilang isa sa exclusive talents ng GMA-7, pinapirma rin ni Mother Lily Monteverde si Jenica para maging isa sa bagong Regal Babies.

MART'S SIDE. Nang tanungin naman namin si Mart kung totoo bang nililigawan niya si Jenica, sumagot ito ng mahinang, "Oo." Masugid daw siyang nanliligaw ngayon sa dalaga dahil na-develop nga ito sa set ng Impostora.



Iba raw kasi ang dating ni Jenica para sa kanya. Mabait daw ito at napaka-thoughful kaya na-in love siya sa kanyang co-star.



"Masarap katrabaho si Jenica," nakangiting pahayag ni Mart. "Very sweet siya sa lahat ng kasamahan namin. Very friendly siya talaga. Nakaka-in love ang mga taong ganun, di ba?"



Nakarating na rin kay Mart na malaki ang tampo sa kanya ni Kris dahil sa panlalamig niya rito. Inamin naman ni Mart na may nagbago na nga sa pakikitungo niya sa kanyang original na ka-loveteam.



Ayon sa young actor, "Inaamin ko na may konting problema nga kami ni Kris. Pero hindi naman kami nag-aaway. Nagtatampo lang daw siya sa akin kasi parang naging cold na ako sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I admit na nabaling na ang attention ko kay Jenica. Mas madalas kasi kaming magkasama ni Jenica kaysa kay Kris. Pero gusto kong mag-usap kami ni Kris. Hindi pa kasi kami nagkakausap nang personal. Gusto kong maging okay kami ni Kris. Ayoko rin namang magkasamaan kami ng loob."



May nagsabi na kaya nanlamig si Mart kay Kris ay dahil noong may mutual understanding na raw ang dalawa ay nakipag-date pa raw si Kris sa ibang lalake na taga-showbiz din. Nasaktan daw si Mart dahil akala niya ay seryoso rin si Kris sa kanya.



Nang tanungin si Mart tungkol dito ay tumanggi ang binata na sumagot dahil ayaw raw niyang masaktan pa si Kris. Tama na raw ‘yung magkausap sila nang maayos para kahit papaano ay maayos nila ang loveteam nila kahit na may iba na silang gusto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN