Ehra Madrigal is now busier than sister Michelle


"Siguro, hindi pa lang siya nabibigyan ng chance. Kasi nga po, marami silang hinahawakang talents sa kabila. So, parang hindi lang napu-focus sa kanya," opines Ehra Madrigal (left) about sister Michelle Madrigal (right).



Obserbasyon ng iba, naungusan na nang husto ni Ehra Madrigal, na talent ng GMA-7, ang kanyang kapatid na si Michelle Madrigal na taga-ABS-CBN naman.

"Hindi naman po siguro," tanggi ni Ehra sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Siguro first, parang... kasi siya [Michelle], she's handled by Talent Center, so ang dami pong hawak ni Mr. M [Johnny Manahan], di ba?

"Ako, I have a manager. Magaling na manager si Tita Annabelle [Rama], parang in terms of projects, mga shows din, na mga raket-raket sa province. 'Tsaka suwerte lang ako siguro, kasi napupunta ako sa mga magagandang projects. Like after FHM, Lupin... Ang laki ng exposure po kaagad nun.

"So, siguro mas napansin lang po talaga ako ng tao, para kumbaga, ‘yon nga, tamang projects and tamang exposure. Tapos, tama po ‘yung pag-handle niya [Annabelle] sa career ko."

Masasabi ba ni Ehra na hindi gaanong naaalagaan si Michelle?

"Hindi naman po," sagot niya. "Siguro, hindi pa lang siya nabibigyan ng chance. Kasi nga po, marami silang hinahawakang talents sa kabila. So, parang hindi lang napu-focus sa kanya.

"E, kay Tita Annabelle, konti lang kaming mga teens na girls, karamihan po sina Richard [Gutierrez], ganyan. So, at least, ‘yung ibang attention ni Tita in terms of pagma-manage sa akin, nabibigay rin po sa akin," paliwanag ni Ehra.

May pagkakataon bang hinikayat niya si Michelle na lumipat sa GMA-7?

"Hindi," sagot ni Ehra. "Before po talaga ako mag-start, ang gusto po talagang kunin ni Tita Annabelle, si Michelle. But then, someone asked her kung gusto niyang mag-join sa ABS, tapos sumali po siya dun sa Star Circle Quest.

"Kaya ‘yon, dun na po siya nag-start. E, nung time na tinanong ako ni Tita, sabi ko, ‘Ayoko pa pong mag-artista.' Kasi I wanna finish school. But then, nung nakita ko po si Tita, sabi niya, ‘Day, gusto mo bang mag-artista?' Sabi ko, ‘Yes.' Randomly lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I wasn't thinking na may mangyayari sa akin, kasi ang dami namang nagtatanong kung gusto mong maging artista, hindi naman natutuloy. With her, after like a few weeks nung tinanong niya ako, nag-pictorial na agad, nag-guesting na ako sa Love to Love, tapos Mulawin, tapos nag-start na po dun. From then on, as in tuloy-tuloy na," paliwanag ni Ehra.

At ngayon nga, mas busy na si Ehra kaysa kay Michelle. Hindi ba pipilitin ni Ehra ang kapatid na lumipat ng network?

"Hindi naman, parang nasa sa kanya ‘yon. Desisyon pa rin ni Michelle ‘yon kung gusto niya na lumipat dito, or magpa-manage kay Tita.

"Kasi ever since naman, hindi naman kami nakikialam. Parang nag-aadvice lang kami, kasi independent na siya, e. Parang siya pa rin ‘yung bahala kung, ‘Sige lilipat ako' or hindi. And, as of now, may contract pa rin kasi siya with ABS. So, hindi pa," sabi ni Ehra.

Sina Ehra at Michelle ay mga anak ng dating sexy star na si Karla Kahlua.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN