Jean Garcia advises daughter Jenica and suitor to slow it down


"Enjoy your work, give it two years. Saka na ang ligawan mga anak, ha," says Jean Garcia (left) to daughter Jenica (right) and her suitor, Mart Escudero.



Mas naunang nagkapirmahan ng build-up contract ang Regal Entertainment at ang baguhang young actress na si Jenica Garcia na ginawa sa Imperial Palace kagabi, August 14, kaysa sa build-up contract na ibibigay ng GMA-7 sa anak ni Jean Garcia this week din.

Pati ang partner ni Jenica sa Impostora—and soon sa Boys Nxt Door dahil papasok na rin si Jenica dito—na si Mart Escudero, pinapirma na rin ng contract ng mag-inang Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo.

Present ang ina ni Jenica na si Jean Garcia, ang manager nitong si Manny Valera, at ang manager ni Mart na si Popoy Caritativo.

Two-year eight-picture contract ang pinirmahan nina Jenica at Mart.

Tuwang-tuwa si Mother Lily sa dalawa na malakas daw ang dating at tunay ngang may chemistry.

Malamang na nakakabasa na rin si Jean ng mga write-ups tungkol sa anak niya at sa partner nito na nagliligawan na nga. But like a doting mother that she is, tila dinidedma niya muna ito at sa halip ay binibigyan ng payo ang dalawa na unahin ang career.

"Enjoy your work, give it two years. Saka na ang ligawan mga anak, ha," paalala ni Jean sa dalawa.

Although umamin naman si Mart na nanliligaw na nga siya kay Jenica, sinabi niya rin na hindi pa siya sinasagot ni Jenica. Pero willing to wait ang binata na produkto ng StarStruck.

Hindi namin alam kung kasama na sa kontrata na pinirmahan ni Mart ang dalawang pelikulang ginagawa/gagawin ni Mart for Regal, ang Kulam starring Judy Ann Santos at Dennis Trillo at ang Shake Rattle & Roll 9.

Si Jenica, pinag-iisipan pa kung ano ang magiging unang pelikula for Regal, pero may iniisip na si Mother Lily na launching movie nito—ang remake ng Katorse ni Dina Bonnevie.

"Bagay kay Jenica ‘yan," buo ang loob na announcement ni Mother Lily.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Payag naman si Jean kaya lang, kung puwede raw ay hindi sana ganung ka-sexy.

Hindi naman naririnig ni Jenica ang magic kamison nang binanggit ito sa kanya na baka mag-kamison din siya tulad ni Dina noon.

"Parang ‘yung show ng GMA," pagbibiro ni Mart kay Jenica.

Kung matutuloy, si Joel Lamangan ang magdidirek ng Katorse remake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN