Starlet Thea Aquino gets lucky break in Hollywood film


Thea Aquino performs as a Filipina dancer who triggers the memories of Josh Hartnett's (inset, with Thea) character in the Hollywood movie, I Come with the Rain.



Sa dami ng mga nag-audition para sa role ng isang Pinay dancer sa Hollywood movie na I Come with the Rain, starring Josh Hartnett, itinuturing ng isang malaking suwerte ni Thea Aquino na siya ang napili para sa role. Competing with more than a hundred girls, including some big-named sexy stars, is no easy thing. Pero nang tawagan nga raw siya, hindi napigilan ni Thea ang maiyak.

"Dalawang taon na po kasi akong nakikipagsapalaran, pero malabo pang may mangyayari sa akin. Gusto ko na pong sumuko," kuwento ni Thea sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nakabalik na si Thea mula sa Mt. Diwalwal sa Campostela Valley, Davao, kung saan kinunan ang ilang bahagi ng I Come With The Rain.

Ayon kay Thea, kapag naipalabas na ang naturang Hollywood movie, halos tatlong minuto lang daw ang magiging exposure niya, pero umabot daw ng anim na araw ang shooting niya.

"Sulit naman po, okay lang po ‘yung mga pagod ko. Metikuloso po ang direktor namin na si Tran Anh Hung [Vietnamese director of The Scent of Green Papaya] kaya medyo matagal talaga. Sabi po niya sa akin, kahit na maiksi lang daw ang exposure ko, tiyak na kikilanin po ako dahil ginandahan po raw niya talaga ang exposure ko. Dancer po kasi ako rito at kapag pinanonood ako ni Josh, nagbabalik sa kanyang alaala ‘yung mga traumatic experiences niya in the past," kuwento ni Thea.

Bukod sa kanilang director, hanga rin si Thea kay Josh dahil sa pagiging "cowboy" nito sa set.

"Lagi po siyang nakikipagtawanan at nakikipagkuwentuhan sa mga tao sa set. Hindi po siya tumatanggi sa mga nagpapakuha ng pictures sa kanya. Sinasabayan po niya kami kapag oras ng kainan. Wala po talaga siyang star complex, madali siyang makagaanan ng loob," papuri pa ni Thea sa Hollywood actor na napanood sa mga pelikulang Pearl Harbor, Black Hawk Down, 40 Days and 40 Nights, Hollywood Homicide, at Sin City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag na kuwento naman ng manager ni Thea na si Edwin Giquin, minsan daw ay humingi ng sigarilyo sa kanya si Josh. "Biniro ko siya, sabi ko, ‘This is the cheapest brand of cigarette here in the Philippines.' Tumawa lang siya't kumuha ng tatlong sticks.'"

Si Thea ay dalawang taon nang nasa showbiz. Bukod sa Hollywood movie na I Come With The Rain, she also did a small role in the award-winning digital film Tulad ng Dati.

Regular na nagmomodelo sa mga sexy fashion shows si Thea na laging kasama ang dalawang Burmese pythons. Ito ang rason kung bakit tinagurian siyang "Snakewoman" ng ilang entertainment press.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN