Kakai Bautista recounts meeting of Daniel Padilla, Alden Richards on movie set

IMAGE Noel Orsal

Comedienne Kakai Bautista witnessed the meeting of Kapamilya actor Daniel Padilla and Kapuso actor Alden Richards on the set of the latter's movie with Kathryn Bernardo.


Ibinahagi ni Kakai Bautista ang pagkikita nina Daniel Padilla at Alden Richards sa set ng pelikulang Hello, Love, Goodbye.

Bida sa pelikulang ito ng Star Cinema si Alden at ang girlfriend ni Daniel na si Kathryn Bernardo.

Ayon kay Kakai, dalawang beses bumisita si Daniel sa shooting ng Hello, Love, Goodbye.

Ang unang beses daw ay nang sumunod ang Kapamilya actor sa Hong Kong para sorpresang dalawin si Kathryn.

Karamihan kasi ng eksena ng pelikula ay kinunan sa Hong Kong.

“Napakabait ni Daniel. Pumunta pa siya dun [Hong Kong]. Dinalaw niya si Kath.

"He flew there to see Kath," kuwento ni Kakai sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Family History nitong July 2, Martes.

Sa pangalawang pagdalaw ni Daniel sa kanilang set ay doon daw nasaksihan ni Kakai ang pagkikita ng Kapamilya actor at ng Kapuso actor na si Alden.

“Hindi ko alam kung nag-meet na sila sa Hong Kong, pero when we were shooting the last few scenes dito sa Pilipinas, dumalaw si DJ [Daniel].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And he met Alden out of respect nga."

Ang tinutukoy na "out of respect" ni Kakai ay ang pagharap ni Daniel kay Alden, na leading man ni Kathryn sa pelikula. 

Ayon kay Kakai, naging magaan ang pagkikita nina Daniel at Alden.

“Walang kiyeme sa amin kasi siguro naging smooth lahat kasi ang bait ni DJ.

“I’ve worked with DJ so many times. Ang bait din ng batang yun. Napakabait.

“Sobrang love niya si Kath, sobrang supportive and, grabe, grabe yung support.”

Noong May 23, naiulat sa PEP.ph ang pahayag ni Daniel na nag-text sa kanya si Alden bago magsimula ang shooting ng Hello, Love, Goodbye.

Sinabi rin ni Daniel na hindi siya nakapag-reply kay Alden.

Mas gusto raw niya kasing makaharap nang personal si Alden.

Sabi ni Daniel sa naturang interview: “Hindi pa kami nag-meet pero nag-text yung taong yun sa akin nung nagsisimula na silang mag-shooting.

"Nag-text siya sa akin so… hindi lang ako nakapag-reply at hindi pa ako personal pa… hindi pa kami personal na nagkikita.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang matanong kung bakit hindi siya nagre-reply, sagot ni Daniel: “Isipin mo, anong ire-reply ko sa isang text na ganun, di ba?

“'Tsaka parang sa akin, sa personal na lang ako… ayun, ayoko na lang sabihin sa inyo kung anong sasabihin ko, pero I prefer a personal meet up.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KAKAI BELIEVES KATHRYN-ALDEN TANDEM WILL WORK

Kumpiyansa naman si Kakai na susuportahan ng mga manonood ang unang pagtatambal nina Kathryn at Alden sa pelikula.

Ito ay sa kabila ng masyadong identified ang dalawang sa kani-kanilang love team—ang KathNiel nina Kathryn at Daniel at ang AlDub nina Alden at Maine Mendoza.

Sabi ng comedienne, “Positive ako kasi everybody would be excited to see kung paano mag-work ang chemistry nila onscreen, kasi they have chemistry off-screen.

“Excited ako for their teamup, they worked really hard for this, as in solid. Pinaghirapan nila ito.

“Napakadeterminado nila para magawan ng magandang buhay ang characters nila as Joy and Ethan.

“And nakaka-proud yung dalawa, nakaka-proud.”  

Ano ang ibig niyang sabihing may magandang off-screen chemistry sina Kathryn at Alden?

Paliwanag ni Kakai, “Parang tropa, yung ganun. Pag nagkukuwentuhan.

"Makikita mo naman, e, na okay sila na.

“Nag-post nga si Alden, di ba, na 'I found new friends?'”

Ang tinutukoy ni Kakai ay ang Facebook post ni Alden noong May 4, kung saan kasama niya sa picture ang co-stars niya sa pelikula na sina Kathryn, Jeffrey Tam, at Joross Gamboa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, “Super barkadahan. Nakakatuwa. Ang saya.

“Kaya siguro lumabas sa movie kung gaano kami kasaya, yung teamwork namin.”

KAKAI BAUTISTA FEELS LUCKY

Pagod man, walang marereklamo si Kakai dahil kaliwa’t kanan ang kanyang mga proyekto, kagaya na lamang ng Family History at Hello, Love, Goodbye na nagkasabay pa ang shooting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Family History ay pinagbibidahan nina Michael V. at Dawn Zulueta. 

Si Michael V. rin ang sumulat at nagdirek ng pelikula.

“Magandang problema yun na marami kang ginagawa kesa mamroblema ka na wala kang makain.

“Very thankful ako and very grateful ako kay Kuya Bitoy na nasali talaga ako [sa Family History].

“Ang sarap ng feeling na blessed ako sa ganun.

“Siguro I have worked my way to be there na nakakatawid-tawid ako without any issue or something. Lahat good vibes lang,” pagtukoy pa niya sa pagtatrabaho sa ABS-CBN at GMA-7.

Sabi pa ni Kakai, maraming puwedeng kunin na artista, pero siya pa rin ang pinili ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment para makasali sa pelikula.

Ang Family History ay magbubukas sa mga sinehan simula sa July 24.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close