Angelica Panganiban back from US show


"Okay naman sila ni Carlo. Hindi sila magkaibigan, pero magkakilala na sila," says Angelica Panganiban about her current boyfriend Derek Ramsey (inset, top) and ex-boyfriend Carlo Aquino (inset, bottom).



Dumating mula sa U.S. si Angelica Panganiban isang araw bago ang premiere night noong Tuesday, August 14, ng first movie nila ni Aga Muhlach with Maricel Soriano na A Love Story sa SM Megamall.

Susunduin dapat siya ng boyfriend niyang si Derek Ramsey, pero huli na nang malaman ang arrival time ni Angelica sa airport. Sa condo na lang daw ni Angelica sila nagkita.



"Pero siya naman ang naghatid sa akin nung umalis ako," nakangiting bungad ni Angelica na kasama si Derek sa late-dinner pagkatapos ng premiere night para sa buong cast at staff ng A Love Story sa Florabel restaurant sa Podium.



Inamin ni Derek na sobrang na-miss niya si Angelica kahit ilang linggo lang nawala ang kasintahan. Feeling ni Derek, ang tagal-tagal nawala ni Angelica na nag-show sa U.S., kasama ang ex-boyfriend na si Carlo Aquino at iba pang loveteams ng ABS-CBN.



"Kung siya, feeling niya months ako nawala, ako naman feeling ko nawala ako ng years dito. Ganun ko siya na-miss," sabi ni Angelica.



Ano naman ang pasalubong niya kay Derek?



"Isang bag ‘yon, para sa kanya," sagot ng young actress.



Hindi rin daw nagkita sina Derek at ex niya na si Carlo nang dumating sila sa airport. Pero nakita raw ni Derek si Carlo nang paalis ang grupo nina Angelica papuntang U.S. Kaya lang, hindi rin daw sila nagkabatian dahil malayo sila sa isa't isa.



"Okay naman sila ni Carlo. Hindi sila magkaibigan, pero magkakilala na sila," sabi ni Angelica.



Ngumiti si Derek when asked kung ano ang naramdaman niya na kasama ni Angelica si Carlo, na hindi lang ex-boyfriend kundi first love pa ng kanyang kasintahan.



"E, ano naman?" sagot ni Angelica na halatang pagod at may jet lag pa.



Halatang nairita na si Angelica na sumagot ng tanong na may kinalaman kay Carlo. Understandable naman dahil katabi niya that time ang current boyfriend niya na si Derek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa ngayon, ang A Love Story ang pinaka-daring na movie ni Angelica. Maiinit ang love scenes nila ni Aga Muhlach na nasaksihan ni Derek. Okay lang naman daw ito kay Derek at naiintindihan niya na trabaho lang ito.

Hindi rin daw siya magiging hadlang sa career ni Angelica. Pero hiniling niya kay Angelica na kung siya man ang gagawa ng ganun din ka-challenging and daring na role, sana raw ay maintindihan siya at hindi maging dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan.



Sa kabila ng bagyo sa opening day ng A Love Story kahapon, August 15, ay kumita ito ng P15 million, ayon sa Star Cinema.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN