Iya Villania talks about "Us Girls" and boyfriend Drew Arellano


"They're very wise people. Being the youngest, I learned so much from them. I like their personality and ‘yung buong pagkatao nila. Ang gaganda ng outlook nila sa buhay," says Iya Villania about her co-hosts Angel Aquino and Chesca Garcia in Us Girls.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Iya Villana kahapon, August 15, sa presscon ng mga shows ng Studio 23, sister station ng ABS-CBN. Kasama si Iya sa lifestyle show na Us Girls. Co-hosts niya rito sina Angel Aquino at Chesca Garcia.

Mula nang nakasama ni Iya ang dalawa sa nasabing show ay naging close na raw siya sa mga ito. Puring-puri rin niya sina Chesca at Angel.

"They're very wise people. Being the youngest, I learned so much from them. I like their personality and ‘yung buong pagkatao nila. Ang gaganda ng outlook nila sa buhay," sabi ni Iya

Ano ang mga qualities na nagustuhan ni Iya kay Chesca?

"With Chesca, she makes me very strong. She's very frank. That's what I love about her. And she's a real friend. She will really stick it out with you."

Pero maraming nagsasabi na mataray si Chesca, totoo ba ito?

"Hindi siya mataray," pagtatanggol ni Iya kay Chesca. "Siguro intimidated lang ‘yung mga tao sa beauty niya kasi mestiza siya, e."

Ano naman ang masasabi niya sa isa pa niyang co-host na si Angel?

"She's such a great actress. She's a great mom. She's a great friend. She's a great...everything! I wish I could be like her in the future," bulalas niya.

DREW ARELLANO. Samantala, hanggang ngayon ay very much in love pa rin daw si Iya sa kanyang boyfriend na si Drew Arellano. Pero kahit mahal na mahal nila ang isa't isa, wala pa raw sa plano nila ang magpakasal.

"Matagal pa bago kami magpakasal," sabi ni Iya. "Sa tingin namin, we're still young pa para magpakasal. Sa sobrang busy namin sa work, especially ako, hindi na namin maiisip pa ‘yung kasal. Basta ang mahalaga, masaya kami sa relasyon namin."

Dahil sa sobrang busy si Iya sa kanyang trabaho, minsan daw ay hindi niya na nabibigyan ng time si Drew.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ng young actress-TV host, "Well, you know as much as possible, I give him time. Mahirap nga lang dahil I have shows, I have work. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa mga katrabaho ko na ‘I want a free day.' Of course, I have to be professional. In-accept ko naman ‘yung show na 'yan, so I have to give them that day na hinihingi nila. Pero hindi naman ako araw-araw nagtatrabaho. May mga times na naka-cancel ‘yung work or maaga akong natatapos."

Tuwing Sunday raw ay maluwag ang schedule ni Iya.

"ASAP lang naman ang work ko pag Sunday, so nagkikita kami in the afternoon ni Drew. And as much as possible when we do have time together, we really cherish every minute and every second that we're together."

Nasabi rin ni Iya na close si Drew sa mommy niya kaya kung sila man ang magkakatuluyan ay walang magiging problema rito. "Boto sa kanya ang mommy ko."

Bukod sa Us Girls sa Studio 23, magiging tatlo na ang shows ni Iya sa ABS-CBN. Bukod sa ASAP ‘07 at You Can Dance, kasama rin siya sa Lastikman na pagbibidahan ni Vhong Navarro.

"Ako ‘yung love interest ni Vhong sa Lastikman," sabi ni Iya tungkol sa kanyang character.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN