Aaron Agassi disappointed by lack of buzz on his first album


"As of now, wala pa ring balita. According to them [Universal Records], sasabihan daw nila ako kung may gagawin sila sa album, pero feeling ko wala na," says Aaron Agassi about the fate of his debut album.



It seems that show business is not nice to Aaron Agassi, younger brother of actor-rapper Carlos Agassi. Aaron was launched as one of the Star Magic talents, pero marami ang nakakapansin na kulang sa magagandang proyekto at exposure ang young singer-actor.



In an interview with PEP (Philippine Entertainment Portal) last August 12 at ASAP ‘07, malungkot na sinabi ni Aaron na ang kauna-unahan pala niyang album under Universal Records, ang Aaron, Right Next To Me, ay hindi gaanong na-promote nang maayos.



"As of now, wala pa ring balita. According to them [Universal Records], sasabihan daw nila ako kung may gagawin sila sa album, pero feeling ko wala na," sabi ni Aaron.

"Before nag-meeting kami with Mr. M [Johnny Manahan], sobrang laki ang plans nila sa akin, so sobrang tuwa din ako. Nag-give up ako sa school ko nung first year to make the album and everything.

"Sabi nila, sa bawat kanta ko raw ay may music video. 'Yung music video, isa lang ang ginawa ko with tem for the launching, but never ako nag-mall shows to promote my album," lahad pa niya.

Aaron's album has 13 tracks, mostly love songs. Isa na nga rito ay ang "Kasalanan Ko Ba?" composed ng mismong producer ng album ni Aaron na si Ito Rapadas of Neocolours. Pero dahil hindi nga na-promote ay ni-revive na rin nina Mark Bautista at Toni Gonzaga.



"Naibigay na sa iba ‘yung kanta and iba naman ‘yung version nila sa akin. It was given to me by Ito Rapadas and ‘yon ang favorite song ko dun," tila may hinanakit na sabi ni Aaron.

Ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit hindi nai-promote nang mabuti ang kanyang debut album?



"Hindi ko alam kung bakit, pero baka di lang kumagat siguro for them. O siguro, naging busy sila kasi may mga bagong artists na pumasok sa kanila after me," sabi ni Aaron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, may lumabas na balita na sumasailalim daw sa pagpapa-dialysis ang kapatid ni Aaron na si Carlos Agassi. Pinabulaanan ni Aaron ang naturang balita.



"Hindi siya naospital," giit niya. "He's very healthy, every day nagdyi-gym siya, healthy siya kumain. Kahit papaano naman, nakakakuha siya ng trabaho."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN