Derek Ramsey overwhelmed by the success of "Ysabella"


"I don't know what to say nga. Talagang I'm overwhelmed with the response and reaction ng tao sa Ysabella," says Derek Ramsey about the positive response of viewers to the soap wherein he stars with Judy Ann Santos (inset, top). He also says that Angelica Panganiban (inset, bottom) brings him food on the set.



Sa kabila ng estado niya sa buhay na nanggaling sa isang mayamang pamilya, pinagtatakahan ng marami kung bakit nagpapakahirap pa ang isang tulad ni Derek Ramsey na gumawa ng pangalan sa show business.



Pero mukhang hindi rin naman maramot ang showbiz sa pagbibigay ng pagkakataon kay Derek. Right now, he's enjoying the popularity of being Chef Mito and Judy Ann Santos's love interest in the ABS-CBN soap opera Ysabella.



Marami nga lang ang pumupuna at nagkokomento sa itinatakbo ng Ysabella ngayon. Mukhang siya raw ang pinapaboran ng istorya higit pa sa bida ritong si Judy Ann o kahit na si Ryan Agoncillo na isa rin sa leading men ng aktres sa nasabing teleserye.



Sa pagbisita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Ysabella last Monday, August 13, nagbigay ng komento si Derek tungkol sa pagpuna ng karamihan.



"It's just the start of the story and makikita ninyo sa mga mangyayari sa tatakbuhin ng istorya, may twist. Mas makikita ninyo na magiging masama na akong tao kay Judy Ann dahil sa mga insecurities ko sa buhay. Parang may struggle ako within myself. Kaya ako naman, I will be willing to go and fix myself muna," lahad ni Derek tungkol sa kanyang character.

The whole production and even Judy Ann never expected na kakagatin ng publiko ang tambalang Ysabella-Mito. According to Derek, it's an overwhelming experience for him.



Ayon sa kanya, "I don't know what to say nga. Talagang I'm overwhelmed with the response and reaction ng tao sa Ysabella. Nababasa ko sa mga articles sa diyaryo, sa Internet, talagang overwhelming. Nagkaroon pa ng fan sites and ang dami kong pictures na dina-download.



"Dun sa sinasabi nilang connection sa amin ni Juday, siguro dahil nakatrabaho ko na siya sa Kasal, Kasali, Kasalo. Kumportableng-kumportable na talaga ako sa kanya. Ryan is a good friend also, they're in love, but wala ‘yung feeling na I feel uncomfortable working with her," paliwanag ni Derek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANGELICA PANGANIBAN. Open book na rin ang ilang buwan na relasyon nila ng young sexy actress na si Angelica Panganiban.When asked kung nagselos ba si Derek sa mga sexy scenes ng gilrlfriend with Aga Muhlach sa A Love Story, Derek told us that it never became an issue to them.



"Hindi niya kailangang magpaalam sa akin, trabaho ‘yon," sabi ni Derek. "Sinabi ko before pa, hindi ko siya papalitan for who she is. Kung may dapat pagselosan, magseselos ako, pero wala naman, e."

Lumabas din ang balita na ilang beses na raw nakikitang nagbabantay si Angelica kay Derek sa set ng Ysabella. Ipinagtanggol naman ng model- turned-actor na hindi pagbabantay ang ginagawang pagdalaw sa kanya ng girlfriend.

"Tototong dumadalaw siya, pero hindi naman nagbabantay," paglilinaw niya. "Dinadalhan niya ako ng food sa set ng Ysabella. Pero dumalaw din naman ako sa kanya sa Rounin. Thrice na siguro akong dinadalaw ni Angelica dito."



Sa isyu naman na hindi boto sa kanya ang pamilya ng aktres, natawa muna si Derek bago nagbigay ng reaksiyon.



"Hindi totoo ‘yan," tanggi niya. "Every other day ka-text ko ‘yung mom ni Angelica. Tsine-check ko siya and pinagluluto pa nga ako ng Mommy niya.



"When it comes naman to my family, ‘yung Mommy ko hasn't met her [Angelica] yet. But nakilala na siya ng Dad, my sisters and nephews," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN