Ikinuwento ni Rayver Cruz kung paanong inilihim niya at ng kanyang pamilya ang tunay na kalagayan noon ng kanilang ina na si Beth Cruz na na-diagnose na mayroong pancreatic cancer.
Namayapa ang kanilang ina noong February 2 ng taong ito na ikinabigla ng lahat dahil nanatiling lihim nga ang pagkakaroon ni Beth ng sakit na cancer. Sabi ni Rayver, nangungulila sila ng kanyang kapatid na si Rodjun dahil nami-miss nila ang kanilang “Number One Fan.”