Gerald Santos admits dating non-showbiz girl

IMAGE Instagram


Hindi itinanggi ni Gerald Santos na mayroon siyang idini-date na non-showbiz girl ngayon, pero wala pa siyang inamin kung girlfriend na niya ito.

Marami raw nakalinya sa kanyang projects, katulad ng upcoming concert niyang Unlimited, kaya hindi pa raw tamang panahon na i-prioritize ang love life.

Pahayag ng grand winner ng Pinoy Pop Superstar Season 2, “Yes, I’m seeing a non-showbiz girl, pero no commitments muna.

“Let’s see what happens... it depends.

“You see, everything is coming in right now. There’s a lot of opportunities, so I can’t let this pass.

“So, yun ang status ko ngayon.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gerald sa contract signing para sa kanyang Unlmited! concert, na ginanap sa Seafoods Restaurant, sa Quezon City, noong July 6.

Kahit walang nabalitaang nagkaroon siya ng relasyon bago pa man siya naging bahagi ng cast ng musical na Miss Saigon UK, hindi naman daw siya part ng listhan ng mga lalaking “no girlfriend since birth”.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero curious ang marami kung wala ba siyang natipuhan sa mga nakasama niya sa Miss Saigon.

Nakangiting sabi ni Gerald, “If I have the choice, gusto ko ay foreigner.

“Sa cast naman, hindi naman bawal, pero natuto ako sa mga nakita ko.

“Like, yung nagkaroon ng relationships at the beginning of the show, and then nagkahiwalay, hindi sila nakakapagtrabaho nang maayos.

“May mga bitterness, may mga words na mga nasasabi na hindi magaganda.

“Kaya sabi ko, kung magkakaroon man ng relationship or anything about that, sa labas. So, yun.

“Yeah, probably when I saw that, yung attracted sila sa Asians dahil parang iba. But, of course, it’s difficult.

“When you’re in UK [United Kingdom], the culture is different, at masyado akong nanibago.”

Iba pa rin daw ang kultura sa Pilipinas pagdating sa pagkakaroon ng relasyon.

Ayon sa 28-year-old singer, “Dito sa atin, you say your intentions right away.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Doon, hindi. Maybe physically, yes, pero sa words, hindi, e.

“Gusto nila yung excitement na, ‘Does this guy like me?’

“No courting na rin, so kailangan kong mag-adjust dun at the time.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close