Kathryn Bernardo explains jumping on boyfriend Daniel Padilla in viral video

IMAGE Noel Orsal / CTTO via @kadreamersmalaysia_ Instagram

Kathryn Bernardo recalls Daniel Padilla's surprise visit while she was shooting film with Alden Richards in Hong Kong: "Kaya pala kinonfiscate din yung phone ko, kasi baka makita ko sa social media, kasi may mga nagpa-picture sa kanya sa airport."


Sa kauna-unahang pagkakataon, ibinahagi ni Kathryn Bernardo kung bakit napalundag siya sa boyfriend niyang si Daniel Padilla noong binisita siya ng aktor sa Hong Kong. 

Isang buwan nag-shooting doon ang stars at crew ng Hello, Love, Goodbye, ang first movie teamup ng Kapamilya actress na si Kathryn at Kapuso actor na si Alden Richards. 

Nag-viral ang video nang unang dumalaw si Daniel kay Kathryn sa Hong Kong dahil kitang-kita ang excitement ng dalaga nang makita ang nobyo. 

Napasigaw pa ito ng "Tangi!!!"—term of endearment ng couple. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ng aktres, "Kasi dapat April 20. Napaaga siya... Siguro nakita niya mabaliw-baliw na ako.

"Kaya pala kinonfiscate din yung phone ko, kasi baka makita ko sa social media, kasi may mga nagpa-picture sa kanya sa airport." 

Pero iyong araw na dumating sa Hong Kong si Daniel, hinarang pa rin daw ito ng direktor ng pelikula na si Cathy Garcia-Molina.   

"E, nung pumunta siya, medyo heavy scene po nun. So, ginawa nila, tinago siya sa akin. So di muna kami nagkita.

"'Tapos nagpunta siya dun. Di naman din siya puwedeng magpunta sa set kasi medyo weird yun.

"So, malaking adjustment po," tuluy-tuloy na kuwento ni Kathryn.

Ibinahagi ito ni Kathryn sa mediacon ng Hello, Love, Goodbye, na ginanap sa ABS-CBN Dolphy Theater, kagabi, July 9. 

NO-CHIKAHAN POLICY FOR KATHRYN

Aminadong "naaning" daw si Kathryn dahil pinagbawalan siya ni Direk Cathy na makipagkuwentuhan sa co-stars at staff ng pelikula. 

Strictly work-related conversations lang daw ang puwedeng gawin ni Kathryn habang naroon sila sa Hong Kong, dahil parte raw iyon ng kanyang character internalization bilang isang domestic helper. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung first week ko, yun yung sinabi ko na umiiyak ako every night.

"Kasi gusto ko magpa-book ng ticket, kasi hirap na hirap na ako.

"So kausap ko siya every night. So nakikita niya kung anong nangyayari sa akin.

"So di rin siya nakakatulog dito kasi nag-aalala siya sa akin." 

LIMITED COMMUNICATION WITH DANIEL 

Si Daniel daw ang naging shock absorber ni Kathryn, na aminadong hirap mag-adjust sa kanyang immersion kasabay ng ginagawang mabibigat na eksena ng pelikula. 

"Sinabi na lang namin basta mag-update-an palagi sa mga shoot," kuwento ni Kathryn sa suporta ng nobyo.

"E, kinonfiscate yung phone ko. Oh my god, paano ako mag-a-update?!

"Lalo pag mabibigat yung scenes, which is madalas, bawal ako masyado supposedly nakaka-update sa kanya."  

Kinuha raw ang kanyang phone sa unang eksena nila ni Alden, at pati sa eksenang sinabihan niya ang Kapuso actor ng "I love you." 

"Kaya nung kinuha, parang galit na galit ako, kasi yun na lang yung way ko, yung taong nakikinig sa akin, yung nakikipag-usap sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi napaka-ano ng communication kay DJ," tukoy ni Kathryn sa palayaw ni Daniel.

Sa mga pagkakataong confiscated ang kanyang telepono, gumagawa pa rin daw ng paraan si Daniel na kumustahin siya. 

"Kay Mama siya dumidiretso. Minsan si Mama, 'Si DJ tumatawag.' 'Bawal yung phone, Ma, pakisabi.' 

"Si DJ, dumidiretso din kay Direk, kung puwede siya pumunta, kung puwede ba ako tumawag nung araw na yun..."  

TRUSTING EACH OTHER 

Ipinaliwanag din ni Kathryn na pinakamatagal nang hindi sila nagkikita ni Daniel ang pagpunta niya sa Hong Kong. 

Hindi raw madali para sa kanila dahil nasanay silang magkatrabaho sa mga teleserye at pelikula sa loob ng anim na taon. 

Sa huli, sabi ni Kathryn, "Yung sinasabi ko lang palagi sa kanya—tiwala.

"Kasi mahihirapan din ako magtrabaho kung alam kong mabigat sa loob niya.

"Hanggang sa yun, pag nag-uusap kami, and then ngayon full support siya, especially nung na-meet niya si Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam niyang andito si Direk Cathy, kasama ko si Mama, andito sina Joross Gamboa, so wala siyang dapat ipag-alala.

"Ang naging challenge lang sa amin, yung matagal kaming magkahiwalay, kaya yun.

"Supportive siya, all out po siya dito sa movie." 


Stories We Are Tracking

Kathryn Bernardo shares touching letter for Daniel Padilla on their 7th anniversary
Kathryn Bernardo shares touching letter for Daniel Padilla on their 7th anniversary
Daniel Padilla still not used to working without Kathryn Bernardo
Daniel Padilla still not used to working without Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo, biglang sumulpot sa birthday party ni Daniel Padilla
Kathryn Bernardo, biglang sumulpot sa birthday party ni Daniel Padilla
Kathryn Bernardo, napalundag kay Daniel Padilla nang sorpresahin siya sa HK
Kathryn Bernardo, napalundag kay Daniel Padilla nang sorpresahin siya sa HK


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close