Eugene Domingo on getting engaged to Italian boyfriend: "We're almost there."

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Eugene Domingo says she and Italian boyfriend have been together for three years: "He is my life."


Umaasa si Eugene Domingo na maikasal din sila ng kanyang Italian boyfriend na si Danilo Bottoni, isang film critic.

“Hopefully, yes," sabi ni Eugene nang matanong tungkol sa pagpapakasal.

"Lahat naman tayo, di ba, nangangarap ng kapayapaan pagdating sa aspeto ng settling down.

“But as of this moment, really, I’m very happy and I’m very thankful na, ayun na nga…”

Kinumpirma ng aktres na three years na sila ng kanyang boyfriend.

Hindi pa ba sila engaged?

“Paano ko ba papaliwanag ito?” pag-aatubili ni Eugene.

“We’re almost there. It’s, like, he is my life.”

Kung sakaling mag-propose ang boyfriend, tatanggapin ba niya ito?

“Agad-agad. Nasa tamang edad na po ako para magpakasal.

"Ano pa bang iniingatan niyo sa akin?" natatawang sagot ng 47-year-old actress.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng press si Eugene nitong July 10, Miyerkules, sa press conference ng iWant digital series na Ang Babae sa Septic Tank: The Real Untold Story of Josephine Bracken.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EUGENE WILLING TO GET MARRIED IN ITALY

Kumusta ang three-year relationship nila ng Italian boyfriend?

“Ang saya. Sarap. Tsaka tamang-tama lang.

“Hindi naman kami yung masyadong nagmamadali sa lahat ng bagay. Sakto lang.

"Bata pa naman kami,” pabiro niyang hirit.

Paano kung yayain siyang magpakasal at manarihan na sa Italy?

“Of course," sagot ni Eugene.

“But I’m not saying I’m gonna retire as an actress, because an actor never retires.

“So, hindi naman siya trabaho na parang 60 years old ka na, pension na. Hindi.

“Alam niyo naman, you can act kahit 100 [years old].

“But if it will call for more time spending in Italy, then yes.”

Hindi rin daw isyu kung long-distance relationship sila ngayon ng Italian boyfriend.

Marami raw digital applications na maaaring magamit upang magkaroon ng constant communication.

Dugtong pa niya, “And you also have to be creative.

“Kasi minsan din, hindi naman talaga ang distance ang problema ng endurance ng inyong love life, ng relationship…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan kahit magkatabi kayo, hindi naman kayo nagmamahalan.”

EUGENE ON GOING DIGITAL

Ipinaliwanag din ni Eugene kung paano siya napapayag na ang ikatlong installment ng Ang Babae sa Septic Tank ay gawing digital series sa streaming content platform na iWant.

Ang first two installments kasi ng Ang Babae sa Septic Tank ay mga pelikula na may malaking kontribusyon sa showbiz career ni Eugene.

Saad ng aktres, “E, kasi, di ba, uso na ang digital series ngayon, so updated tayo.

“Kailangan sumasabay at sumasakay.

“At saka kailangan din nating ma-reach ang maraming tao, na minsan ang time lang nilang manood ng movies o series ay sa iWant na digital.

"So, sali tayo diyan."

Ang seven episodes ng Ang Babae sa Septic Tank: The Real Untold Story of Josephine Bracken,  isang mockumentary, ay available sa iWant simula July 17.  


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close