Erich Gonzales confirms she is in a relationship

IMAGE @erichgg on Instagram

Erich Gonzales reveals she is now in a relationship but prefers not to talk about it. “I don’t wanna ruin it, so sa ‘kin na lang yun," says the actress.


Kinumpirma ni Erich Gonzales na may karelasyon siya ngayon.

Pero mas gusto raw ng Kapamilya actress na panatilihin itong pribado.

Sa ipinost na vlog ni Erich noong July 8, Lunes, isang netizen ang nagtanong kay Erich kung bakit pinili niyang huwag ibahagi ang kanyang love life.

“Well, I think it’s for the best,” sagot ng 28-year-old actress.

“I want to protect something so precious to me and something beautiful.

“I don’t wanna ruin it, so sa akin na lang yun.”

Noong March 2018, lumabas ang balita tungkol sa pag-amin ni Erich na idini-date niya ang isang non-showbiz guy.

Paglalarawan pa niya sa lalaki ay “consistent and persistent suitor.”

Ani Erich, ang suitor niyang ito ay kapatid ng boyfriend ni Claudia Barretto.

Si Claudia ay anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla at kapatid ni Julia Barretto.

Hindi ibinigay ni Erich ang pangalan ng kanyang suitor, pero sa pagsasaliksik sa Internet, ang lalaking inili-link sa kanya ay nagngangalang Mateo Lorenzo, isang businessman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang interview noong March 2018, maingat si Erich sa pagsasalita tungkol sa kanyang manliligaw.

“Hindi sila sanay sa ganito. Yung family, dyuskolord!” sabi ng aktres.

Pero sinabi ni Erich na 2017 pa nang magkakilala sila ng kanyang suitor.

“We met last year [2017] po, last year pa.

"So, matagal na kaming magkaibigan, mga early last year pa? So, yun,” sabi ni Erich.

February 2018, may lumabas na larawan sina Erich at Mateo sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa entertainment vlogs, magkarelasyon na ang dalawa. 

May ilang larawang lumabas na magkasama sila sa isang party ilang buwan na ang nakalilipas.

Gayunpaman, wala pang kumpirmasyon mula mismo kay Erich kung ang tinutukoy niyang boyfriend ay si Mateo.

ERICH FEELS CONTENT

Isa pang netizen ang nagtanong kay Erich kung ano ang estado ng buhay niya ngayon.

Sagot ng aktres, “I’m at this point in my life na merong contentment, but not complacent.”

Patuloy raw siyang magtatrabaho para abutin ang mga pangarap at makatulong sa mga mahal sa buhay.

Dagdag niya, “Eventually [I want to] get married, start my own family, raise my own children that love God and show other people how to love God.”

May mga susunod na ba siyang proyekto?

“May mga naka-line up po na projects tayong gagawin, so ngayon may mga binabasa akong script.

“If schedule permits, once na okay na lahat, and pag super sure na ang project, I’ll let you know,” sabi ni Erich.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close