Alden Richards reveals how Daniel Padilla reached out to him

IMAGE Noel Orsal / Peewee Gonzales via @bernardokath Instagram

Alden Richards on what he and Daniel Padilla talked about when they met on the movie set: "Kinongratulate niya yung pelikula and nagpasalamat siya na inalagaan ko si Kathryn."


Kinumpirma ni Alden Richards na personal niyang nakausap si Daniel Padilla nang minsang bumisita ang Kapamilya actor sa set ng pelikulang Hello, Love, Goodbye dito sa Pilipinas. 

Si Daniel ang reel-and-real-life sweetheart ni Kathryn Bernardo, habang si Alden ang bagong katambal ni Kathryn sa pelikula ng Star Cinema na idinirek ni Cathy Garcia-Molina.

"Kasi si DJ din po, nagkikita din kami pag may events. Hi-hello lang," saad ni Alden patungkol kay Daniel, na kilala rin sa palayaw na DJ. 

"Eto nga lang, medyo mas personal kasi nakatrabaho ko si Kath.

"And the first time we've met talaga, officially, na first time kami nag-usap, kailan ba yun? Nung pumunta po si DJ sa tent ko." 

Noong bumisita raw kasi si Daniel sa Hong Kong ay hindi sila nagkadaupang-palad. 

"Hindi po sa Hong Kong, hindi kami nagkita dun.

"Nagkita pero nagkahiyaan po kami, kasi siyempre medyo may konting distance," saad ng Kapuso actor. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natutuwa raw si Alden dahil suportado ni Daniel ang pelikula nila ng girlfriend nitong si Kathryn. 

"Mabait po si Daniel, and talagang nag-congratulate siya.

"Kinongratulate niya yung pelikula and nagpasalamat siya na inalagaan ko si Kathryn.

"So, parang ang gaan lang po nung pelikula kasi wala po kaming nasagasaan na kahit sinong tao.

"And masaya po kaming nagawa namin yung pelikula at natapos namin yung pelikula na peaceful." 

Inihayag ito ni Alden sa presscon proper ng Hello, Love, Goodbye, na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, Martes ng gabi, July 9. 

Una nang inamin ni Daniel, sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May, na nagpasintabi sa kanya si Alden nang mag-text ito sa kanya bago magsimula ang shooting ng Hello, Love, Goodbye

Hindi lang daw nakapag-reply si Daniel noon dahil mas gusto niyang makausap nang personal si Alden—na tinotohanan naman ng Kapamilya actor. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALDEN'S FIRST IMPRESSION OF KATHRYN

Sa parte ni Alden, siniguro niyang naging maganda ang trabaho at nabuong pagkakaibigan nila ni Kathryn off cam. 

"Si Kath po, very warm ever since," ani Alden, na dati nang nakikita si Kathryn sa media events.

"Pero nung nakasama ko po siya during storycon... she's very nice, sweet.

"Sobrang hindi po ako nahirapang mapalagay yung loob ko sa kanya kasi parang hinayaan niya ako to be nice to her." 

NO NEED FOR OFF-CAM KILIG

Naniniwala rin si Alden na nakatulong sa tambalan nila ni Kathryn na alam ng mga tagasuporta nila na magkatrabaho lang talaga sila. 

"Walang pilitan. Wala pong pinilit sa aming dalawa.

"Walang nagsabi na dapat ganito kayo off cam para lumabas yung chemistry on cam.

"Pinabayaan lang kami ng lahat ng tao, especially si Direk Cathy.

"So I'm very happy na ganun kagaan, ganun kadali yung naging working relationship ko with Kath, with Direk, and most especially the whole Star Cinema."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Todo-pasasalamat din si Alden sa pamunuan ng GMA-7 na pinayagan siyang makipag-collaborate sa pelikula ng isang ABS-CBN film company. 


Stories We Are Tracking

Alden Richards sets foot in ABS-CBN compound
Alden Richards sets foot in ABS-CBN compound
Alden Richards at Maine Mendoza, nakahanap ng bagong katambal sa bakuran ng ABS-CBN
Alden Richards at Maine Mendoza, nakahanap ng bagong katambal sa bakuran ng ABS-CBN
Joross Gamboa, pinatotohanan ang kabaitan ni Alden Richards
Joross Gamboa, pinatotohanan ang kabaitan ni Alden Richards
Daniel Padilla refused to text back Alden Richards
Daniel Padilla refused to text back Alden Richards


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close