Edgar Allan Guzman explains decision to finally admit relationship with Shaira Diaz

IMAGE Rommel Gonzales / Instagram

Edgar Allan Guzman on admitting relationship with Shaira Diaz: "It’s time, kasi ang tagal ko ring itinago. Kumbaga, hindi naman niya deserve na itago."


“Finally, happy na!”

Ito ang bulalas ng Kapuso actor na si Edgar Allan Guzman, 30, tungkol sa relasyon nila ng Kapuso actress na si Shaira Diaz, 24.

Matagal nang usap-usapan ang tungkol sa kanilang relasyon, ngunit ngayon lang nila ito inamin sa publiko.

Bakit sila nagdesisyon na sa wakas ay ilantad na sa publiko na may relasyon nga sila?

“Matanda na po kasi ako, e,” sagot ni EA, palayaw ng aktor.

“Kumbaga, it’s time, kasi ang tagal ko ring itinago.

“Kumbaga, hindi naman niya deserve na itago.

“Sa ganda niyang iyon, sa galing niya, na I’m proud of her, kasi ang dami niyang achievements ngayon and maraming natutuwa sa kanya.

“Kumbaga, parang nagpe-pay off yung pinaghirapan niya, yung matagal na panahon na hinintay niya, para lang makuha yung mga breaks na ganun, so…

“I’m happy kasi, wala, para sa akin, nag-decide ako, it’s time kumbaga na makita, marinig naman ng mga tao na nagmamahal din ako. Di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edgar Allan sa taping ng GMA afternoon drama series na Dragon Lady sa New Manila, Quezon City, kahapon, July 10.

KEEPING IT A SECRET

Bakit ba nila itinago ang kanilang relasyon noon?

“It’s for our career,” diretsong sagot ni EA.

“Siyempre, siya naman kasi… ngayon, actually ngayon, quiet pa rin kami.

“Although nag-post lang ako ng birthday message na video sa kanya, na ginawa kong kanta.”

Nangyari ito noong birthday mismo ni Shaira last May 3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapatuloy ni EA, “Pero hindi ako yung every day magpu-post about her, hindi.

“Kumbaga, kasi ako iniintindi ko pa rin yung career niya.

“Meron siyang future sa love team so susuportahan ko siya dun.

“And ako, at the same time, puwede pa rin naman ako ma-pair [sa iba], so trabaho lang.”

Ang importante raw ay inamin na nila ang kanilang relasyon.

“Pero yun nga, kumbaga, parang may limitations pa rin, siyempre para sa trabaho pa rin,” saad ng aktor.

Pero hindi raw nila gagawin na maya’t maya ay may post sa social media tungkol sa kanilang relasyon.

“Kumbaga, hangga’t maaari, hindi talaga.

“Kumbaga, kami na rin, ako na rin ang nag-decide na parang, okay, isang beses lang, para lang ma-express ko lang, maano ko lang sa tao na, eto, nagmamahal din ako.

“Kumbaga, may karapatan din akong kiligin, ganun, magpakilig.

“So, iyon lang, ‘tapos after that, sabi ko, huwag na muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, susuportahan ko siya kung anuman ang itinatakbo ng career niya, at the same time sa akin din."

PROUD OF SHAIRA

Masaya si EA sa papel ni Shaira sa Kapuso primetime series na Love You Two, kung saan bida sina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion.

Ayon sa aktor, “Ang galing-galing niya dun, e! Extended sila, ang galing, ang galing.

“Kaya sabi ko nga, proud ako kung anuman ang achievements na nakukuha niya, sa mga breaks na nakukuha niya, and I’m proud of her.

“Kumbaga, ang tagal niyang hinintay yung ganung break, yung ganung role.

“Magaling naman talaga siya, right project lang talaga.

“So happy ako sa kanya kasi binibigyan siya ng mga ganung roles.

"'Tapos kakatapos lang ng movie niya with David,” pagtukoy niya sa pelikula nina Shaira at David Licauco na Because I Love You.

“So kumbaga, sabi ko sa kanya, ‘Start na ‘yan, ihanda mo na ang sarili mo sa mga ganyan kasi start na ‘yan.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close