Is Sarah Geronimo ready to settle down at 31?

IMAGE Noel Orsal / Courtesy: Matteo Guidicelli on Facebook

Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli will celebrate their fifth anniversary this year, but they are still non-committal on marriage.


Limang taon na ang relasyon nina Sarah Geronimo, 30, at Matteo Guidicelli, 29.

Pero hanggang ngayon ay wala pa ring nababalitaan kung nag-level up na ang kanilang relasyon.

Sa edad nila—kung saan magti-thirthy-one na ang Popstar Royalty sa July 25—ideal na ito upang gumawa sila ng sariling pamilya.

Sa ulat ng Bandila ng ABS-CBN kagabi, July 10, nagbigay ng pahayag si Sarah tungkol sa paparating niyang birthday.

“Para nga pong hindi totoo, e.

“Age is just a number.

"Talagang ang importante talaga ay ang experience mo sa buhay,” saad niya.

Wika nga nila, habang nasa ganitong edad pa ay mas maiging magpakasal na ang magkasintahan upang ma-enjoy pa nila ang kanilang mga mabubuong supling.

Nasa marrying age na ba siya?

Tugon ni Sarah, “Well, yun ang dini-dictate ng society kapag nasa 30s ka na o malapit ka na mag-thirty, dapat ikakasal ka na or magkakaroon ka na ng pamilya.

“Pero, yeah, kailangan ano ka diyan, e... prepared ka talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, we will never be ready.

“Importante lang, you know in your heart—puso, isipsabay yun, dapat sureball ka.”

Sa panayam naman kay Matteo nitong nakaraang Sabado, July 6, hindi pa masabi ng aktor kung handa na rin siyang pakasalan ang nobya.

Saad niya, “Pray mo ako para maging okay lahat ba.

“Bahala na, tingnan natin.”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close