Bela Padilla reacts to Neil Arce-Angel Locsin engagement

IMAGE @bela Instagram / Paolo Nierves


Hindi isyu kay Bela Padilla ang balitang engaged na ang ex-boyfriend niyang si Neil Arce kay Angel Locsin. 

Kahapon, July 10, pinaunlakan ni Bela ng Q&A ang kanyang Instagram followers. 

Isa sa mga ito ang nagtanong kung nakaramdam siya ng kirot sa puso nang malamang magpapakasal na si Neil. 

"How's your heart knowing that your ex is already engaged?" tanong ng netizen. 

Diretsahang sagot ni Bela, kalakip ang dalawang smile emojis: "Why would you assume that I'm affected? I'm happy for them." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BELA AND NEIL'S BREAKUP

Apat na taong magkarelasyon sina Bela at Neil bago sila naghiwalay noong January 2017. 

Noong panahong iyon, inamin ni Bela na mas pinili niyang i-prioritize ang kanyang trabaho at hindi na niya napag-uukulan ng pansin ang love life. 

"Sobrang bait" daw ni Neil at "deserve" daw nito ang tamang babae para rito. 

Sa kabila ng kanilang hiwalayan ay nagkatrabaho pa sina Bela at Neil sa ilang pelikulang iprinodyus ng binata. 

NEIL'S ENGAGEMENT WITH ANGEL

Pitong taon namang magkaibigan sina Angel at Neil, hanggang sa nagkaroon sila ng espesyal na unawaan. 

Bandang March 2017 nang simulang mag-date sina Angel at Neil, pero noon lamang February 2018 kinumpirma ng aktres na sila na. 

Makalipas ang isang taon at apat na buwan, nag-propose na si Neil ng kasal kay Angel. Sabay nilang inanunsiyo ang kanilang engagement noong June 29. 

Punung-puno ng pagmamahal na inihayag ni Neil kung gaano siya kasaya sa bagong yugto ng buhay na pagsasamahan nila ni Angel. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Thank you for allowing me to be with you, take care of you and most of all love you for the rest of my life." 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close