Jake Zyrus proudly posts sweet photos with fiancée Shyre Aquino

IMAGE @jakezyrusmusic on Instagram

Singer Jake Zyrus posts a couple of sweet photos of him and fiancee Shyre Aquino on Instagram.


Patuloy ang pagtibay ng relasyon ng singer na si Jake Zyrus at ng kanyang fiancée na si Shyre Aquino, isang registered nurse.

Sa kanyang Instagram account noong July 2, nag-post si Jake ng dalawang larawan nila ni Shyre bilang patunay ng kanilang matibay na pagmamahalan.

Caption dito ni Jake: “I love you [heart emoji] @coachshy.rnd”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa comments section, sinagot naman ni Shyre ang post ng kasintahan.

Hindi maitago ni Shyre ang kilig kay Jake na tinawag pa niyang "sobrang gwapo."

Sabi ng dalaga, “I love you more. [heart emoji]

“(Hayy… sobrang gwapo talaga. You make my heart melt.)”

November 2018 nang kumpirmahin ni Jake na engaged na sila ni Shyre, pero hindi niya tinukoy ang petsa kung kailan siya nag-propose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni Jake ang relasyon nila ni Shyre noong August 2017.

Sa isang interview noong 2018, natanong si Jake kung paano niya nalaman na si Shyre ang babaeng kanyang pakakasalan.

Ipinaliwanag ng singer na nang simulan niya ang pag-transition bilang transgender man, dumating si Shyre sa kanyang buhay.

“Actually, nung nag-top surgery ako, siya yung nag-alaga sa akin,” ani Jake.

Sinabi rin ni Jake na todo-suporta si Shyre sa kanya nang ipaalam niyang sasailalim siya sa transition.

JAKE THE TRANSMAN

Unang nakilala ng publiko si Jake bilang si Charice Pempengco.

June 2017 nang ianunsiyo ni Charice ang pagpapalit ng kanyang pangalan sa Jake Zyrus, na hudyat din ng pagyakap niya bilang isang transman.

Isa rin sa latest Instagram post ni Jake ay ang larawan niyang naka-business suit at mukha na talagang lalaki.

Caption dito ng 27-anyos na singer: “I’m so happy the more I grow older, I’m starting to look more of my dad. Still of course, little bit of mom. just a random thought.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago ito, nag-post noong June si Jake ng close-up photo na makikitang nagpapatubo siya ng bigote at balbas.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close