Governor Vilma Santos recalls tough decision during last election


"Really, God works in mysterious ways. Kumbaga, napahupa niya kaming lahat. At nakita ko lang 'yung sagot sa ipinaabot lang sa akin, sulat. Answered prayers talaga," says Batangas Governor Vilma Santos about her decision to run in the national election last May.



Sumalang bilang celebrity contestant ang bagong governor ng Batangas na si Vilma Santos-Recto sa game show ng ABS-CBN na Kapamilya Deal Or No Deal. Kahapon, August 17, nag-taping ang actress-politician at next week naman nakatakdang ipalabas ang naturang episode.

Pagkatapos ng taping ay nagyaya ang Star for All Seasons sa ilang entertainment press, kasama na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), sa Annabel's restaurant para doon ituloy ang kuwentuhan.

Napag-usapan namin ni Governor Vi ang mga kaganapan nitong nakaraang eleksiyon kung saan nga siya pinalad na manalo. Matatandaang bago magdeklara ng kanyang kandidatura bilang governor ay hindi pa siya makapag-decide kung anong posisyon talaga ang kanyang tatakbuhin. Humingi rin siya ng mga signs kung tutuloy siya o aatras.

Kuwento niya, "Isa na lang ang ibibigay ko na talagang nung nangyari, hindi ko na napigilan ang umiyak. Ang mga una kong tinawagan are my good friends Lynn and Pipo [Tirso Cruz III]. Kasi, parang 'yon na talaga 'yung pinakasagot sa akin sa lahat ng idinasal ko sa Panginoon.

"Dahil sa isang sulat ng isang tinitingala at nirerespetong tao, 'yon ang nagbigay sa akin ng sign na sige, ituloy ko na ang pagtakbo bilang governor. Mula 'yon sa isang kagalang-galang na tao. Iyon ang sumagot sa tanong ko kung bakit kailangan kong tumakbo. Kumbaga, isinaad sa sulat na 'yon ang pros and cons. Kaya nung mabasa ko 'yon, sabi ko na sa sarili ko, 'This is it!' And wala na akong nagawa kundi umiyak na lang.

"Monday nang iniabot sa akin 'yung sulat, e. Alam mo naman pag Monday, talagang busy day sa akin 'yon at People's Day ko 'yon in Lipa. So, hindi ko agad binasa 'yung sulat. Nang makita ko siya at mabuksan, Wednesday na. Nakita ko na nasa bag ko. Kaya nung binabasa ko na siya, alam mo, tumutulo na lang ang luha ko sa kakaiyak because nandun 'yung mga sagot sa mga tanong ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Vilma, "Alam natin kung gaanong uminit ang isyu sa pagtakbo ko that time as governor of Batangas. Lalo akong nagulat nung bigla na lang nag-declare si Ricky [Recto, her brother-in-law] na naggi-give way na siya sa akin alang-alang sa mga BatangueƱo. Nakita naman natin ang tapang ni Ricky that time. Ang desisyon niya pa, hindi para na lang sa sarili niya kundi para sa lahat sa amin sa Batangas.

"I want to look at that as Divine Intervention kasi nagkakainintan na talaga noon. Magkakadugo na ang mga nai-involve sa isang malaking problema. 'Yun na. In the end, wala nang Recto vs. Recto na nangyari. Parang lahat nagsuportahan na. Umaliwalas at gumanda ang takbo ng lahat. Every now and then, nandun si Ricky sa akin para dalawin ako at kumustahin.

"Really, God works in mysterious ways. Kumbaga, napahupa niya kaming lahat. At nakita ko lang 'yung sagot sa ipinaabot lang sa akin, sulat. Answered prayers talaga. And 'yun ang masasabi kong isa sa pinakamatinding sign na hiningi ko that time na ipinagkaloob naman sa akin."

MOVIE WITH STAR CINEMA. Nang magkita sina Ate Vi at si Malou Santos ng Star Cinema sa taping ng Deal or No Deal, kinumusta ni Malou kung ready na ba si Ate Vi para masimulan na ang proyektong nakalaan para sa kanya. In principle, nasabi ni Ate Vi na handa na siyang muling humarap sa kamera na matagal-tagal na niyang nami-miss.

"Pero magpapaalam muna ako sa aking mga kababayan," sabi ng actress-politician. "Although there was one time na nung mag-flag ceremony ako, nabanggit ko na ito sa kanila. In the meantime, kailangan ko munang asikasuhin ang mga dapat na harapin ko sa bayan ko bilang isang governor.

"Basta lumuwag-luwag na ang schedule ko, na nakita ko namang hindi magiging sing-tight noong mayor ako [ng Lipa], I know, matutupad naman ang wish ng mga Vilmanians ko na sumalang muli sa isang makabuluhang proyekto na talagang magiging worth their wait."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang nasabing proyekto ay pagsasamahan nila nina John Lloyd Cruz at Ryan Agoncillo.

"Na-revise na 'yung unang script that was presented to me. Kaya malamang na si Ryan na ang gumanap sa role ng anak ko," kuwento ni Ate Vi.

Naka-standby na rin ang pelikulang Mama Mia na noon pa niya hiniling na gawin with Direk Wenn Deramas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN