Manager Joy Cancio fires two SexBomb members


SexBomb manager Joy Cancio has decided to remove two of its senior members, Jackie Rivas and Cynthia Yapchangco, for violating some of the group's rules and regulations.



Laking gulat ng mga Sexbomb members nang mapagdesisyunan ni Joy Cancio na tanggalin ang dalawa sa kanilang senior members na sina Jackie Rivas at Cynthia Yapchangco.

Sa live interview ni Jackie sa Startalk kahapon, August 18, tila hindi pa niya alam ang naging desisyon ng manager. Ang alam daw niya ay magmi-meeting pa sila sa Lunes.

Pero sa naunang interview ni Joy Cancio ay inamin na niya ang kanyang plano tungkol kay Jackie.

"Nabalitaan ko kasi na hindi siya dumating sa Eat Bulaga, 11:20 na. Ten o' clock kasi ang call time ko, e. Kasi nga, nagre-rehearse kasi every week, iba-iba ang konsepto nila, so nagre-rehearse tayo ng choreography," reklamo ni Joy.

"Tapos nalaman ko na from Rochelle [Pangilinan] na nag-text si Jackie na ala-una ng madaling-araw—natutulog na si Rochelle dahil pinagpapahinga ko rin kasi nilalagnat na—na nagyayaya raw na uminom sa Barrakz. Sabi ko, isa bang gawain ng babae ‘yan? As a mother, siyemre kung anak ‘yan, kinutusan ko pa ‘yan. Kaso hindi tayo puwedeng manakit, di ba?"

Depensa naman ni Jackie, nagyaya lang daw siyang gumimik nung umaga pa lang, pero hindi na raw siya tumuloy nang hindi pumuwede si Rochelle.

Ang kaso naman ni Cynthia ay medyo personal ayon kay Joy.

Mahigpit daw ipinapatupad ng pamunuan ng Sexbomb ang uniformity—mula buhok, damit, at iba pang pag-aayos sa sarili.



Bawal na bawal daw ang magpalagay ng tattoo, pero meron nito si Cynthia.

Ayon kay Joy, itinanggi na raw ito ni Cynthia sa kanya, pero lumabas din ang katotohanan. Mismong si Joy pa raw ang nakakita ng tattoo ni Cynthia.

"Sa likod niya nakalagay kaya hindi ko agad nakita. Nakita ko nung nag-Eat Bulaga! kasi low waist po ‘yung pants, so nakita ko ‘yung likod. Nag-text ako dun sa PA [Production Assistant], sabi ko, ano ‘yung dumi sa likod ni Cynthia. Tattoo daw. So, nagulat ako, di ba? Kumbaga, kung uso ‘yon, wala akong pakialam. Kaso alam n'yo na meron tayong rules and regulations na dapat sundin," pahayag ni Joy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Joy, mahigpit niyang ipinagbabawal sa SexBomb members ang mga tattoo, body piercing, ang pagda-drugs, at iba pang hindi "wholesome" na gawain. Mga kabataan daw kasi ang karamihan ng fans ng SexBomb. Gusto lang daw niya mag-set ng isang magandang ehemplo sa mga kabataan.

Sa live phone interview ni SexBomb Cynthia sa Startalk ay humingi ito ng dispensa sa manager. Ilang ulit na raw siyang nag-text kay Joy, pero hindi raw ito sumasagot. Sinabi rin niya na nagpalagay lang siya ng tattoo para sa kanyang namayapang ama.

Hindi naman daw natatakot si Joy na malagasan ng miyembro dahil patuloy pa rin ang pagtuklas niya ng mga bagong miyembro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN