PEP EXCLUSIVE: Angel Locsin feels the warm welcome of ABS-CBN


"Heto masaya ako... Pero unti-unting nawawala ‘yung paninibago na ‘yon at medyo hiya dahil naramdaman ko kung paano nila ako alagaan dito at kung paano i-welcome. Nagpapasalamat ako na mabait sa akin ang mga tao dito sa ABS-CBN," says Angel Locsin about her first few days as a Kapamilya star.



Nagsimula nang umikot sa iba't ibang programa ng ABS-CBN ang bagong Kapamilya na si Angel Locsin. Last Friday, August 17, ay nag-guest siya sa Kapamilya Deal or No Deal ni Kris Aquino na ipapalabas sa Lunes, August 20. Then, on Thursday, August 23, guest din siya sa morning show na Boy & Kris.

Mamayang tanghali, August 19, ay mapapanood siya nang live sa ASAP '07 na magsisilbing grand welcome niya sa ABS-CBN. Napag-alaman namin na sasakay ng limousine papuntang ABS-CBN at ang gown na isusuot niya ay gawa ni Rajo Laurel.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Angel ay kinumusta namin sa kanya ang mga unang araw niya bilang isang Kapamilya.



"Heto masaya ako dahil ngayon, naninibago ako, nangangapa pa ako. Pero unti-unting nawawala ‘yung paninibago na ‘yon at medyo hiya dahil naramdaman ko kung paano nila ako alagaan dito at kung paano i-welcome. Nagpapasalamat ako na mabait sa akin ang mga tao dito sa ABS-CBN," panimula ni Angel.



PIOLO PASCUAL. Isa raw si Piolo Pascual sa mga unang artista na "nagpakalma" ng kalooban ni Angel sa paglipat niya sa ABS-CBN.

"Actually, nagtanong siya kung okay lang ako. Sabi niya, ‘Kaya mo ‘yan.' Pero hindi siya nag-ano...basta nagpapatawa lang siya. Ang kulit din niya nung time na ‘yon. Siguro naramdaman din niya na down ako. Ganun naman ‘ata si Piolo sa lahat ng tao, e, sinusubukan niyang pasayahin lahat," kuwento ng young actress.

Si Piolo ang magiging leading man ni Angel sa kanyang unang regular show sa ABS-CBN.

Nakumpirma namin mula sa direktor na si Cathy Garcia-Molina na siya ang magdidirek ng first project ni Angel. Ito ay ang kuwentong isinulat ni Ricky Lee tungkol sa taong-lobo na sa pagkakaalam ni Direk Cathy ay may pamagat na La Loba Blanca.

Excited na ba si Angel sa first teleserye niya sa ABS-CBN with Piolo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, ‘yung story madugo. Lagi namang madugo ‘yung ipinapagawa sa akin. Pero ito, masasabi ko na isa sa pinakamadugo talaga. Iba kasi siya. Bago, e. Hindi siya basta-basta soap. Hindi rin siya pantaserye. Hindi siya bast-basta action. As in bago talaga at ngayon lang ita-try ng ABS-CBN itong atake na ‘to," pagmamalaking sabi ni Angel.



May pressure ba siya sa magiging outcome ng first show niya sa ABS-CBN?



"Oo," pag-amin niya. "Pero ako naman kasi, basta may magawa lang akong trabaho or project na maipagmamalaki talaga, ‘yung napaganda ko ‘yung trabaho ko rito or maganda ‘yung story. I mean, maganda talaga ‘yung hinanda ng produksiyon na ‘yon, okay na sa akin ‘yon at basta mapasaya namin ang mga tao. Hindi na ‘yung ‘O, dapat mas maganda ‘yung sa amin' or ‘dapat mas mataas ang ratings namin.' Mas more on iniisip ko kung paano namin mapapasaya ‘yung mga tao, kasi para naman talaga sa kanila ‘yon at hindi para sa amin."



Sa nasabing proyekto ay palulutungin daw ng ABS-CBN ang pagiging artista niya at magiging isang full-fledged actress.



"Gusto ko ‘yon," natuwang sagot ni Angel. "Gusto ko po ‘yon. Alam n'yo naman ako, napaka-perfectionist."

Sa tingin niya ba ay magkakaroon na rin siya ng acting awards gaya ng mga drama queens ng ABS-CBN na sina Judy Ann Santos at Claudine Barretto?



"Basta may bago lang akong matutunan, okay din sa akin and ‘yung happy ako sa performance ko. Sobrang okay na sa akin ‘yon and hindi naman ako magpapaka-plastik na sana magkaroon din ako ng acting award," sabi ni Angel.



Bukod kay Piolo, sino pa ba ang gusto niyang makapareha sa bakuran ng ABS-CBN?



"Marami," ngiti ni Angel. "Another good thing with ABS-CBN, marami kang choices and nandito ‘yung growth talaga, e. Marami, like sina Sam [Milby], Mr. Aga Muhlach... John Lloyd [Cruz], Jericho [Rosales], ang dami!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Excited din siya na makagawa ng pelikula sa Star Cinema.



"Nasa kontrata ko kaya wala silang choice!" natatawang sabi ni Angel. "Si Piolo rin ang leading man ko. Sobrang excited ako na makatrabaho si Piolo."



MEETING WITH ATE VI.
Samantala, nang malaman daw ni Angel na maglalaro ang Star For All Seasons at Batangas Governor na si Vilma Santos, kasunod niya sa Deal Or No Deal ay hindi raw siya nagdalawang-isip na silipin ang kanyang idolo.



"Oo, parang ako ang aligaga kanina," sabi ni Angel. "Kapag idol mo talaga, ganun talaga, e. Si Ms. Vilma kasi, nakatrabaho ko siya sa Mano Po 3. Nakita ko kung bakit siya Star For All Seasons kasi ang bait niya sa tao. Napaka-professional, napakagaling. Hindi pa ako nagda-Darna noon. Actually, siya at si Direk Joel [Lamangan] ang nagsabi sa akin, ‘Iha, ikaw ang Darna.' Tapos kinausap ako ni Ms. Wilma [Galvante] tungkol sa Darna.

"Hindi ko malaman kung anong gagawin ko pagpunta kay Ms. Vilma. Parang hindi ko alam kung natatandaan pa rin niya ako. Siyempre, marami rin siyang ginagawa kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Kung, ‘Hi, Tita natatandaan mo ba ako? Ako si ganyan, ganyan.'



"Hindi naman sa pagpapa-humble, pero ang tagal na kasi nung Mano Po 3. Ang daming problemang kinaharap ko. Kaya masaya ako na naalala pa niya ako. Na matatandaan niya ‘yung pangalan ko," kuwento ni Angel.

LUIS MANZANO. Sa taping din ng Deal or No Deal ay tinuksu-tukso ng audience si Angel sa panganay ni Governor Vi na si Luis Manzano.



"Bakit nga ba? Hindi ko rin alam, e," nagtatakang sabi ni Angel. "Kasi umalis ako kanina, may kausap ako. Tapos pagbalik ko, tinutukso kami ni Luis. Nag-usap lang kami ni Luis tapos parang ‘yung mga tao, inaasar na agad kami. E, kanina, hindi naman kami inaasar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabit naman si Luis. Nakakasama ko siya minsan sa trabaho. Pero wala namang ligawang nagaganap. Minsan, siya ‘yung nagho-host ng affair na may nag-invite sa akin," aniya pa.



OYO SOTTO & ANNE CURTIS. Samantala, nang huli naming nakausap ang ex-boyfriend ni Angel na si Oyo Sotto ay panay ang pagtatanggol ng binata sa mga negatibong isyung ibinato kay Angel.



"Lagi naman ‘yan, e," sabi ni Angel. "Always pinagtatanggol ako niyan. Lagi kaming nag-uusap kahit nung nasa London ako. Pero nagtampo yata siya sa akin ngayon. Kasi nung dumating ako, hindi ko siya, ‘Oy, nandito na ako.'

"Kasi nung nasa London ako, nag-uusap pa kami. Hindi ko nasabihan. E, hindi ba ang gulo? Pagdating sa airport pa lang, may interview na, so medyo mahirap lang. Pero puwede naman kaming magkita anytime kasi wala naman kaming away or ano."



Puwede rin silang maging magkagtrabaho ni Oyo sa mga show ng ABS-CBN since nauna na sa kanya na maging Kapamilya ang anak nina Dina Bonnevie at Vic Sotto.



"Tingnan natin. Pero ayoko naman sana ‘yung gamitin ‘yung dating isyu, kasi iba naman ‘yung sa amin. Nakakahiya rin sa ABS-CBN at feeling ko hindi rin papayag si Oyo."



Open din si Angel sa possibility na makasama sa isang show ang isa pang ex-girlfriend ni Oyo na si Anne Curtis.



"Magkaibigan kami ni Anne," sabi ni Angel. "Hindi ko nga maintindihan kung bakit kami parang iniisyu ni Anne, pero okay kami. Before pa kasi, kahit hindi pa kami ni Oyo, lagi ko siyang inaasar kay Anne like, ‘Huh, magkakabalikan din kayo.'

"Nauna sila, e. Kaya labas ako kung ano meron sila. Maiintindihan ko ‘yon and magkaibigan kami ni Anne. Magkasama kami sa isang product na pareho naming ini-endorse before. Mabait si Anne at mabait din siya sa akin."



RICHARD GUTIERREZ. Ano naman ang reaksiyon niya sa sinabi ni Ruffa Gutierrez na nag-MU (mutual understanding) sila noon ng kapatid niyang si Richard Gutierrez? Totoo ba ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Oo, parang ganun. Hindi ba, sinasabi rin naman naming lagi, kayo lang naman ang hindi naniniwala, e," sabay tawa ni Angel.



"Pero hindi naging kami," paglilinaw niya. "Siyempre pag kayo ang laging magkasama sa liblib na lugar or lagi kayong bundok, e, wala naman kayong makausap doon. Siguro dahil doon.

"Hindi naman ‘yung MU na MU talaga. Hindi naman ‘yung, ‘Hoy, MU tayo, ha.' Siguro nagki-care ako sa kanya, nagki-care rin siya sa akin. Wala rin kaming usapan na, ‘O, tapusin na natin ‘to.' Wala naman kasing ano, e, walang relasyon. Hindi lumalim at hindi naman ‘yung landian or ano, hindi naman. Kasi magkasama kami, we're partners, parang ganun. Kapalagayang-loob kami at ngayon, honestly, kung anuman ang gawin ni Richard susuporta pa rin ako sa kanya kasi mabait siyang tao at naramamdaman ko ‘yon nung kaguluhang ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN