Carlo Aquino spotted anew with rumored non-showbiz girlfriend

IMAGE CTTO Instagram

Carlo Aquino is spotted spending time with rumored non-showbiz girlfriend and some friends.


Muling namataang kasama ni Carlo Aquino ang nauugnay sa kanyang non-showbiz girl na si Trina Candaza.

Usap-usapan sa social media ang pag-repost ng ilang netizens sa litrato ng rumored couple isang linggo na ang nakararaan. 

Sa sinasabing Instagram Story, makikitang magkatabi sina Carlo at Trina sa birthday celebration ng kaibigan nilang hindi taga-showbiz.

Kalakip nito ang written text na tinukoy ang dalawa bilang "love birds."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maliban dito ay wala nang ibang impormasyong nabanggit. 

Sina Carlo at Trina naman ay hindi pa rin nagbabahagi ng litratong magkasama sila sa kani-kanilang Instagram accounts. 

Pero mailap man si Carlo sa estado ng kanyang love life, noong Hunyo ay naiulat na ipinagtanggol niya si Trina sa mga bumabatikos dito. 

DEFENDING TRINA

Sa kanyang Instagram Stories, nag-post ng mahabang mensahe si Carlo at inako na siya ang may "kasalanan" sa isyung hindi niya tuwirang binanggit. 

Hindi raw dapat buntunan ng galit ng netizens si "Trina" o iba pang taong malapit sa kanya.

Si Trina rin ang non-showbiz girl na kasama ni Carlo sa La Union sa isang litratong kumalat sa social media noong unang linggo ng January 2019. 

Hinala ng netizens, partikular na sa mga nakasubaybay ng pinagdaanang kontrobersiya ni Carlo nitong taon, posibleng may kaugnayan ito kay Angelica Panganiban.

Hindi maganda ang paghihiwalay ng landas nina Carlo at Angelica noong Pebrero, at nakaapekto ito nang husto sa fans ng kanilang love team, o mas kilala bilang CarGel

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE FALLING-OUT

Noong Marso, inamin ni Angelica na hindi na sila magkaibigan ni Carlo at wala na rin silang komunikasyon. 

Gayong isang taong nasubaybayan ng publiko at ng media ang panunumbalik ng maganda nilang pagkakaibigan, na akala ng iba ay mauuwi sa totohanang relasyon.

Tumangging sumagot noon si Angelica nang tanungin kung may third party na involved sa hidwaan nila ni Carlo. 

Kung anu't ano man, base sa kani-kanilang Instagram posts ay tila parehong kuntento ang dalawa sa kung anumang nagpapasaya sa kanilang buhay ngayon. 


Stories We Are Tracking

Alden Richards, nagsalita na sa tambalang Maine-Carlo
Alden Richards, nagsalita na sa tambalang Maine-Carlo
Maine Mendoza to be paired with Carlo Aquino in ABS-CBN Films-produced movie
Maine Mendoza to be paired with Carlo Aquino in ABS-CBN Films-produced movie
Angelica Panganiban no comment on Carlo Aquino love life
Angelica Panganiban no comment on Carlo Aquino love life
Carlo Aquino asks netizens to stop bashing rumored girlfriend, close friends
Carlo Aquino asks netizens to stop bashing rumored girlfriend, close friends


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close