Tom Rodriguez sets wedding date with Carla Abellana

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Tom Rodriguez on marrying girlfriend Carla Abellana: "Yup, that’s in the cards na 'yan, malapit na!"


Malapit nang pakasalan ni Tom Rodriguez si Carla Abellana.

“Yup, that’s in the cards na 'yan, malapit na!” natawang pahayag ni Tom nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Kapuso telefantasyang Dragon Lady noong Hulyo 10, Miyerkules, sa New Manila, Quezon City.

“Ayoko kasing sabihin ang date sa inyo. Siyempre, nakaka-pressure din sa aming dalawa, pero kaming dalawa, alam na namin.

“Pero ano na 'yan…”

May bago pang gagawing show si Carla kasama sina Mikael Daez at Rhian Ramos.

Nababanggit din si Carla na bagay maging leading lady ni Dingdong Dantes sa Pinoy remake ng Descendants Of The Sun.

Sabi ni Tom tungkol dito, “Labas naman kami dun, e. Kami naman, we’re just very grateful kung anumang project ang maibigay sa amin ng GMA.

"So, sa amin, kung ano, labas kami dun, e.

“Like, we don’t talk about it. Hindi namin kino-consider.

“Siguro for her, ayoko namang magsalita para sa kanya, if I were in her shoes, that will be flattering.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero I don’t think seseryoshin naman ng ano, kasi everyone is just as qualified, and everyone is just as ano.

“Parang we’re all lucky just to be working.

"Nasa Diyos yun. Kung para sa iyo, para sa iyo; kung hindi, hindi.”

DRAGON LADY FINALE

Magtatapos ang Dragon Lady sa Hulyo 20, Sabado, kung saan si Tom ang leading man ni Janine Gutierrez.

May nadiskubre pa ba siya kay Janine sa itinagal ng taping nila ng Dragon Lady?

Tugon ni Tom, “She’s very dedicated to her work! Very, with how she does her character.

"Na sometimes, mamamangha ka na lang, parang gripo yung mata na, on cue, tulo kaagad ang luha niya.

“I mean, kahit on-the-spot yung script dumarating, mainit-init pa, bagong luto pa lang yung script, she’s able to really put herself into the character and the situations that we have to face and have to deal with.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang natutunan ni Tom sa journey niya sa Dragon Lady?

“Siguro, just ano pa rin... kasi, feeling ko, parang estudyante pa rin ako.

"In a way na I’m still trying to learn how to navigate the work itself.

“Parang every time I finish a project, feeling mo, you go to the next work, ‘A, may idea na ako, alam ko na kung paano.’

“And yet, life still throws you curveballs.

"So, how to mitigate your expectation, parang kung paano iano yung expectations mo sa project na 'yan and, at the same time, kung ano yung reality ng project especially kapag nasa gitna na kayo ng proyekto.

“Paano mag-adjust at paano parang sumakay sa alon ng industriya?

“So, yung mga ganun, little by little, I’m still taking it up and I’m still learning as I go.

"Parang ganun yung pakiramdam, so I do feel like I’ve grown kahit papaano.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHAT'S NEXT AFTER DRAGON LADY?

May kasunod na bang project ang GMA-7 para kay Tom?

“May sinabi si Popoy na niluluto, iyon lang," pagtukoy ni Tom sa kanyang manager na si Popoy Caritativo.

"Yun lang, hindi ko sure, hindi ko alam kung ano.

“So, habang wala, I’ll focus on my personal projects.

“Focus ako mga personal businesses, so some online businesses that I’m setting up.”

Ayaw munang i-reveal ni Tom kung anu-ano ang mga business na ito.

“Hindi naman siguro masamang sabihin, ayoko lang maudlot. It’s a personal goal of mine.”

Mga negosyong bubuksan pa lamang ni Tom ang pagkakaabalahan niya sa pagtatapos ng Dragon Lady.

“Tinray ko siyang isabay sa Dragon Lady, kaso nahahati ang atensiyon ko.

"Basta, art-related siya in a way.

“Iyong art part, madali kong nagagawa, pero yung pag-set up ng website, siyempre matagal na akong hindi nagpu-full stock with development, so ang daming mga bago.

“Ang dami kong hindi alam, kailangang matutunan muna or kailangan sa SEO, Search Engine Optimization, kailangang ang daming aralin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero aside from that, I wanna go back to painting with oil and acrylic para I can, hopefully, mount an exhibit.”

Isang mahusay na visual artist si Tom.

Pareho raw ang satisfaction niya both from using oil and acrylic at sa digital drawing.

“May kanya-kanya silang charm, pero in essence, yung puwede mong gawin, pareho lang naman, e.

“'Tsaka yung, kunwari, yung technique, yung theory...

"Lahat, puwedeng mai-transfer. Yung nagkakaiba lang, yung medium.

“Siyempre, nandun yung benefit ng tactile sensation, nahahawakan mo yung ginawa mo, puwede mong dalhin kahit saan. Pag traditional, pag analog na media.

"Kung sa digital naman, mabilis, hindi mo hihintaying matuyo yung paint, puwede mong gawin kahit nasa set ka.

“'Tapos, hindi madudumihan ng pintura yung kamay mo na kailangan mong linisin bago ka sumalang sa eksena.”

Kung papipiliin siya between the traditional technique of drawing o sa digital means?

“Ang hirap, e! Siguro, pinili ko yung digital, kasi convenience. Kasi, that’s what I’ve been using for the longest time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero nami-miss ko talaga yung traditional, kaya gusto kong balikan, and it’s sad to say na it’s taking me so long to jump back to it.

“So, may mga materials na akong naipon, kailangan ko na lang gamitin.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close