Jimuel Pacquiao-Heaven Peralejo relationship on the rocks?

IMAGE Glenn Regondola / Facebook / @heavenperalejo on Instagram

Jimuel Pacquiao and Heaven Peralejo unfollow each other on Instagram, triggering netizens' speculations about the young couple's alleged breakup.


Hiwalay na ba sina Jimuel Pacquiao, 19, at Heaven Peralejo, 19?

Ito ang usap-usapan ng netizens sa social media dahil parehong nag-unfollow sina Jimuel at Heaven sa isa’t isa sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi malinaw kung dinelete o naka-archive lang, pero hindi na rin makikita ang kanilang mga larawang magkasama sa kani-kanilang accounts. 

Ikinagulat ito ng mga sumusubaybay sa love life ng dalawa dahil noong Marso 2019 lamang sila umamin sa kanilang relasyon. 

Si Jimuel ay panganay na anak ng Pambansang Kamao at senador na si Manny Pacquiao at ni Jinkee Pacquiao.

Si Heaven naman ay pamangkin nina Rica at Paula Peralejo.

Halos pitong buwan pa lamang ang relasyon ng dalawa.

JIMUEL DEFENDED HEAVEN IN THE PAST

Kasabay ng alingawngaw ng kanilang hiwalayan, may mga lumalabas namang blind item at intrigang hindi ikakaganda ng imahe ni Heaven.

Katulad na lamang ng kumakalat noong isyu kung saan tinawag ng ilang netizens na “gold digger” si Heaven.

Mariin itong pinabulaanan ni Jimuel sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong June 10. 

Pagtatanggol pa ni Jimuel noon sa nobya: “They don’t really know who she is, what she’s like.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, kilala ko po siya, si Heaven, kasi girlfriend ko siya.

“So, ang masasabi ko lang po ay... no way, she’s not!

“There’s no way na ganun siya.”

Hindi naman daw tutol ang ina ni Jimuel na si Jinkee Pacquiao sa relasyon ng dalawa.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close