Ina Feleo engaged to Italian boyfriend

IMAGE @ina_feleo Instagram

Ina Feleo has the funniest reaction to her engagement to Italian boyfriend Giacomo Gervasutti: "Omg di ako tatandang dalaga whattt #shookt"


Masayang ibinalita ni Ina Feleo na engaged na sila ng Italian boyfriend niyang si Giacomo Gervasutti. 

Ito ay matapos ang mahigit dalawang taon nilang long-distance relationship. 

Kuwento ni Ina, hindi siya handa nang mag-propose ng kasal ang boyfriend kaya ni hindi niya nakuhang makunan ng litrato ang special moment na iyon. 

Pero siniguro niyang lubos daw ang kasiyahan nilang magkasintahan. 

"Love is patient. Love is tested. Love endures.

"I don’t have an instagrammable photo because he asked me when I had just put on my night creams and hadn’t brushed my hair and was quietly sipping on my probiotic tea," natatawang saad ni Ina base sa kanyang laughing with tears emoji. 

Dugtong ni Ina sa kanyang Instagram post kahapon, July 17: 

"I wouldn’t have had it any other way!

"Thank you @jamesgerva for jumping off the edge for me.

"This is completely out of character from you but I will take care of you don’t worry [heart emoji] I love you!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Answered prayer daw ang panibagong yugtong ito ng kanilang relasyon, lalo pa't marami na siyang beses nabigo sa pag-ibig noon. 

"Two weeks ago I was in church praying and thanking God for all the blessings he continues to give me and then the thought of my relationship hit me and I turned to Him to entrust everything completely, because His will is always better than mine.

"In the past, when I got to this point of entrusting my 'love life' the next events would lead to a falling out.

"But now this happened, and I felt so calm about it.

"I never really get into a relationship without thinking that it could lead into a more serious future, but it didn’t happen before and I am just so grateful that this happened now."

Sa huli, ipinaliwanag ni Ina kung bakit sa middle finger nakasuot ang engagement ring na bigay sa kanya ni Giacomo. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"P.s. I know that isn’t the ring finger but the ring is an heirloom piece and we have to have it adjusted to fit my super skinny fingers." 

Kuwelang hirit pa ni Ina, "P.s.s. Omg di ako tatandang dalaga whattt #shookt"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HOW INA FELEO MET HER ITALIAN BOYFRIEND

April 2017 nang unang inamin ni Ina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano sila nagkakilala ni Giacomo na taga-Venice, Italy. 

Taong 2015 daw nang magbakasyon siya sa Venice kasama ang kanyang ina na si Laurice Guillen at kapatid na si Ana Feleo. 

Mayroon daw shop sa Venice si Giacomo at gumagawa rin ng special tours sa mga turista roon. 

Nagsimula silang magpalitan ng e-mails noong 2016, hanggang sa binisita siya ni Giacomo rito sa Pilipinas. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula noon ay pabalik-balik na si Giacomo sa pagbabakasyon dito sa bansa, at ganoon din si Ina na nagpupunta rin ng Italy. 

INA JOKES ABOUT MOM'S LONG WAIT FOR AN APO 

Ngayong engaged na si Ina, kakatwang noon lang June 2019 ay kakasabi niyang wala pa sa plano nila ni Giacomo ang pagpapakasal. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa panayam ng PEP.ph, nagbiro pa si Ina na baka naiinip na ang kanyang Mommy Laurice dahil sa edad na 32 ay hindi pa niya ito nabibigyan ng apo. 

"Hopefully, before mag-35 years old ay may masasagot na ako na maganda kay Mommy in regards sa paghingi niya ng apo," dagdag ng Kapuso actress. 

Sabi pa noon ni Ina, wala rin sa ugali niya na i-pressure ang nobyo tungkol sa pagpapakasal. 

"Hindi kasi maganda yung parang ipu-force mo ang topic. Kailangan naiisip din niya yun.

"Siyempre, naghihintay din ako ng time na magpu-propose siya.

''That means na ready na siyang mag-settle down at doon na namin pag-usapan ang lahat." 

Tila patunay ito na hindi talaga inaasahan ni Ina na mae-engage siya ngayong taon.

Si Ina ay kasalukuyang napapanood sa GMA-7 prime-time series na The Better Woman.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close