Coney Reyes does not want son Vico Sotto to be called "babe mayor"

IMAGE @coneyreyes on Instagram

Coney Reyes says son Pasig City Mayor Vico Sotto just laughs off comments about being single at 30.


May pahayag ang veteran actress na si Coney Reyes hinggil sa mga idinidikit na isyu sa anak na si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Kabilang na rito ang pagiging single ni Vico at bansag sa kanyang “babe mayor.”

Si Vico ay anak ni Coney sa comedian-TV host na si Vic Sotto.

Isang proud mom si Coney sa anak na pulitiko dahil sa convictions nito sa buhay.

“I admire him for his strong convictions, that’s why I continue to pray for him,” pahayag ng veteran actress sa panayam ng 24 Oras, prime-time newscast ng GMA-7, nitong July 17, Miyerkules.

“I pray for the people around him.

"I’m asking that God give him wisdom and discernment, divine wisdom, hindi worldly wisdom.”

CONEY ON VICO’S SINGLEHOOD

Sa edad ni Vico na 30, kinumpirma ni Coney na single pa rin ang kanyang anak.

“Tinatawanan lang niya,” aniya tungkol sa mga nagtatanong kung bakit single pa rin si Vico.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala lang, kasi for him, everything, ang Diyos na lahat ang bahala ng ganyan."

Binanggit din ni Coney ang hinahangad niyang katangian ng babaeng bibihag sa puso ni Vico.

“Iyan ipinagpi-pray ko din na maayos talaga.

“He would need somebody who’s really talagang a godly person.”

ON VICO'S "BABE MAYOR" TAG

Hindi naman sinasang-ayunan ni Coney ang mga tumatawag ng “babe mayor” kay Vico.

“Wag naman. Wag niyong tawagin,” sabi niya.

Paliwanag ni Coney, “He’s very simple, even his manner of dressing.

"Kaya pagka nagsabi siya, ‘Ma, do yo have time? Can you go and get me like this?’ Takbo na ang nanay.”

Sa isang tweet ni Vico noong June 19, matutukoy na kahit siya ay hindi pabor sa pagtawag sa kanya ng netizens ng "babe mayor."

Isang netizen kasi ang nag-tweet at tumawag sa alkalde ng “babe mayor.”

Tweet ng netizen noong June 19, “@VicoSotto babe mayor wag mo tatanggalin scholarship, taas mol ang allowance pero wag mo tanggalin huhu ikaw nalang pag-asa ko sa college.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ng Pasig Mayor, “Yes for the first year we will maintain the current funding and focus on streamlining requirements, processes.

“Pero next time na tawagin mo kong ‘babe mayor’ may 500 peso penalty na hahaha”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close