Lucy Torres-Gomez not jealous of Goma's kissing scenes in "Marimar"


"Siguro, iba kung nakilala ko si Richard na hindi siya artista, tapos all of a sudden, mag-aartista siya and then he'll be kissing all these women. But since I started to go out with him, ganun na siya, artista na siya. So, tanggap mo na ‘yung part na ‘yon," explains Lucy Torres-Gomez about husband Richard Gomez's love scenes with his leading ladies, like Katrina Halili in Marimar.



Sobra na sa kaputian si Ms. Lucy Torres-Gomez kaya parang hindi na niya kailangan pang gumamit ng whitening products tulad ng Belo Essentials—na sila nina Regine Velasquez at Zsa Zsa Padilla ang kinuhang celebrity endorsers ni Dr. Vicki Belo.

"Oo, gumagamit pa rin ako. Kahit pumunta ka sa house ko at sumilip ka nang unannounced, you'll see it there!" natatawang dayalog ni Ms. Lucy sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the recent press launch of Belo Essentials.

Katuwiran niya, "Nagkaka-freckles kasi ako, e. Kaya gumagamit ako ng whitening products [lotion, face wash and body bar].But for me kasi, it's not enough na maputi ka. Dapat magandang puti. Alam mo ‘yon? ‘Yung hindi patse-patse! Baka magmukha kang map of the Philippines no'n!" tawa niya ulit.

"Pati si Richard [Gomez, her husband], hinihila ko siya para magpa-facial sa Belo. Ako ang nag-i-schedule ng appointment niya. Tapos pag tulog siya, kung anu-anong nilalagay ko sa mukha niya. Kasi, pag iniwan mo on his own, wala ‘yang tiyaga," kuwento niya pa about her handsome hubby.

RICHARD & KATRINA. Kasama si Goma (palayaw ni Richard) sa telenobelang Marimar ng GMA-7 as Renato Santibañez at marami itong kissing scenes with Katrina Halili, who plays his wife Angelika Santibañez.

Okay lang ba ‘yon kay Lucy?

"Okay lang," mabilis na sagot niya. "In fact, nakita ko sila sa SOP, kumakanta sila. Sabi ko, ‘Honey, bagay kayo!' Importante kasi na bagay silang tingnan, di ba?

"So, I like Katrina's height, maganda. Tapos naka-mini-skirt siya noon, ang ganda ng legs! At saka si Katrina has guested many times sa show ko [The Sweet Life sa QTV 11]. Natutuwa ako sa kanya," nakangiting pakli ni Lucy.

Hindi na ba siya nagseselos sa mga eksenang ganun?

"Kasi, mararamdaman mo naman kung maanghang ‘yung babae, di ba?" tugon niya.

Ano ang ibig sabihin niya ng "maanghang"? Malandi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, okay lang ‘yung malandi. Huwag lang niyang lalandiin ang asawa ko!" biro niya.

So, ano nga ‘yung "maanghang"?

"Alam mo ‘yung babaeng may gusto sa mister mo? Kasi, pag asawa ka, alam mo, e. Kahit hindi ka nakatingin, alam mo. May pakiramdam ka, e. May intuition ka talaga," paliwanag niya.

Paano kung landiin nga ni Katrina si Goma?

"Ay, hindi ako naniniwala! Kasi si Katrina, ang nakakatuwa sa kanya, hindi siya ganun. Alam mo, most of the sexy stars, hindi malandi. I've met a lot of sexy stars na hindi malalandi. Iyon pang mga hindi mo akalain, ‘yon ang nasa loob ang kulo!" tawa niya.

So, sinusuportahan at pinanonood niya ang Marimar?

"Oo. Even before naman, like nung bagong kasal pa lang kami, merong movie si Richard at si Joyce [Jimenez] na Linlang. Then Joyce had to run around the beach nang hubad.

"Siguro, iba kung nakilala ko si Richard na hindi siya artista, tapos all of a sudden, mag-aartista siya and then he'll be kissing all these women. But since I started to go out with him, ganun na siya, artista na siya. So, tanggap mo na ‘yung part na ‘yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN