Director Joey Reyes lambasts Miss Grand Thailand 2019

IMAGE Courtesy: Joey Reyes on Facebook / @missgrandthailand on Instagram

Director Joey Reyes takes a swipe at Miss Grand Thailand 2019 Coco Arayha Suparurk.


Hindi napigilan ng award-winning writer-director na si Joey Reyes na pasaringan si Miss Grand Thailand 2019 Coco Arayha Suparurk dahil sa magkasunod na banat nito laban kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ang pinakahuli ay ang pagsasabi ni Coco na hihingi lamang siya ng dispensa kay Catriona kapag nagpadala ito ng direct message sa kanya.

Sa pamamagitan ng Twitter, binanatan ni Direk Joey ang Miss Grand Thailand 2019 winner.

Sabi ng film-TV director: “This Thai woman needs her medication badly.

“Or a brain surgery... through her toes.”

Matatandaang umani ng batikos ang Instagram Stories ni Coco noong unang linggo ng Hulyo dahil sa pagpu-post niya ng meme kung saan tinawag na "FAT" si Catriona, kumpara kay Miss Grand International 2018 Clara Sosa ng Paraguay na “FIT.”

Si Coco ay representative pa lamang noon ng Nakhon Phanom, isang probinsiya sa Northern Thailand, sa Miss Grand Thailand 2019.

Noong July 13, itinanghal siyang Miss Grand Thailand 2019 sa grand coronation na ginanap sa Bangkok International Trade and Exhibition Centre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit nanalo na siya sa isang national pageant doon, hindi pa rin siya tinantatan ng bashers mula sa ibang bansa maging sa kanilang lugar.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close