Heaven Peralejo addresses claim that she milked Jimuel Pacquiao for money

IMAGE @heavenperalejo and @pacquiao.emmanuel on Instagram

Actress Heaven Peralejo (left) addresses allegations claiming that she milked boyfriend Jimuel Pacquiao (right) for money.


Binasag ng ABS-CBN actress na si Heaven Peralejo ang mga akusasyong ipinupukol sa kanya, gaya ng diumano'y paghuthot ng pera mula sa kanyang boyfriend na si Jimuel Pacquiao at ang paratang na isa siyang "gold digger."

Sinagot ni Heaven ang mga isyung ito sa pamamagitan ng YouTube video na in-upload niya nitong Biyernes ng gabi, July 19.

May isang pahayag din si Heaven sa video kung saan sina-suggest na posible nang hiwalay sila ni Jimuel, panganay na anak nina boxing-champ Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao.

Ito ay matapos pumutok ang balita kamakailan na in-unfollow nila ang isa't isa sa Instagram.

Inamin ng dalawa ang kanilang relasyon noong March 2019.

Sa video, sinagot ni Heaven—kasama ang best friend na si Jean Lacsamana at inang si Luanne Peralejo—ang ilang tanong mula sa netizens.

HEAVEN ON TAKING ADVANTAGE OF JIMUEL PACQUIAO

Isa sa mga unang tanong na sinagot ni Heaven ay ang isyung pinerahan niya umano ang pamilya ni Jimuel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong ng isang netizen: "How much money have you gotten from the Pacquiao's so far?"

Nagbiro muna ang aktres. Mapapanood na tila nagbibilang muna siya.

Sagot niya: "Hindi ko ma-compute kasi parang…"

Pagkatapos ay seryoso niyang sinagot ang tanong.

"Hindi ko alam kung saan nanggagaling yung rumors and everything…I mean, I don't get money from him. I mean, I have work. Hindi ko naman siya tatay para kunan ng pera."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Depensa ng nanay ni Heaven: "At saka, hello, pag kayo ba nag-boyfriend kayo, kukuha ba kayo ng pera sa boyfriend niyo? Nagda-drugs ba kayo?"

HEAVEN ANSWERS "GOLD DIGGER" ALLEGATION

Sa paratang na isa siyang gold digger, ang kaibigan niya ang sumagot para kay Heaven.

Sabi ni Jean, "Bakit ka pa magtatrabaho sa sarili mo if yun din naman ang gusto mong gawin?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinatigan ni Heaven ang una niyang sinabi na nagtatrabaho siya kaya hindi niya kailangan perahan ang sinuman.

"And also kasi gusto ko ring makatulong kay Mom. Hindi ko alam kung paano mo [netizen] nakuha ang assumption na iyan. Maybe because sa ex ko. Ayyy!!!" tila nadulas na pahayag ni Heaven.

Malaman din ang sagot ni Heaven nang sagutin niya ang assumption ng isang netizen na, "you have a lot of exes."

Sagot ni Heaven, "I think only one lang."

Sa isang interview noong June, sinagot na rin ni Jimuel ang paratang na gold digger si Heaven.

Ipinagtanggol ng panganay ni Pacquiao ang aktres at sinabing walang katotohanan ito.

"So, ang masasabi ko lang po ay... no way, she's not!" sabi ni Jimuel noon. "There's no way na ganun siya."

 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close